Alwyn Uytingco to wife Jennica Garcia: “Patawad sa lahat ng pagkakamali ko.”

by Arniel C. Serato
Jun 29, 2021
Alwyn Uytingco woos wife Jennica Garcia anew: "Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo."
PHOTO/S: Courtesy: @alwynzky on Instagram

Ilang oras matapos maglabas ni Jean Garcia ng kanyang hinanakit laban kay Alwyn Uytingco sa Instagram kahapon, June 28, muli namang humingi ng tawad ang aktor sa asawang si Jennica Garcia.

Si Jennica, anak ni Jean, ay umamin kamakailan na may problema sa pagsasama nila ni Alwyn.

Mayroon silang dalawang anak na babae—sina Mori, 6, at Alessi, 3.

Sa kanyang latest Instagram post, muling ipinahayag ni Alwyn ang kanyang pagmamahal sa nakahiwalayang asawa.

Muli rin siyang humingi ng kapatawaran mula kay Jennica.

Hindi raw importante sa kanya ang sasabihin ng ibang tao, ang importante raw ay ang pagpapatawad galing sa asawa.

Mensahe ni Alwyn para sa aswa: “Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko.

"Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sayo.”

Inamin ni Alwyn na nagkamali siya, pero hindi nito sinabi ang eksaktong kamaliang nagawa.

Continue reading below ↓

Pangako pa niya, babangon siya at muling susubukang ayusin ang relasyon nila na natuldukan pansamantala.

Mahal daw talaga niya si Jennica.

Saad ni Alwyn, “Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako.

"Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo.

"Mahal na mahal kita."

JEAN SLAMS ALWYN

Sa isang post ni Alywn sa Instagram, mababasa sa comments section ang pagsupalpal sa kanya ng mother-in-law na si Jean dahil sa kawalan daw ng respeto sa kanya ng aktor bilang magulang ni Jennica.

Mensahe ni Jean (published as is): "Talaga ba yan Alwyn?!!!

"Sana sinagot mo message ko sayo... respeto kase yon bilang magulang ni Jennica.

"Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!"

Dagdag pa ng aktres, "Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alwyn Uytingco woos wife Jennica Garcia anew: "Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo."
PHOTO/S: Courtesy: @alwynzky on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results