PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did ABS-CBN director Erick Salud take a swipe at Bea Alonzo?

"AAAARTE!!! Naghihirap ba siya?"
by Bernie V. Franco
Published Jul 1, 2021
Who is ABS-CBN director Erick Salud alluding to in his tweet about an actress who transferred to another network? Is it Bea Alonzo?
PHOTO/S: Facebook (Eric John Salut) / @beaalonzo on Instagram

Si Bea Alonzo ba ang pinatatamaan ng ABS-CBN director na si Erick Salud sa makahulugang tweet nito ngayong Huwebes, July 1?

Ito ang tanong ng mga nakabasa ng tweet ng direktor tungkol sa isang aktres na lumipat ng TV network.

Pasaring ng direktor, nagtataka siya tungkol sa paglipat ng aktres dahil bago pa man mangyari ang pandemya ay may nasimulan na raw itong TV project sa dating kinabibilangang istasyon.

Pero nagdesisyon daw ang aktres na huwag itong ituloy dahil hindi pa umano siya handang mag-shooting.

Ngayon pala ay lilipat ng network ang aktres.

Buong tweet ni Direk Erick (published as is): “So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya?

“Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic.

“Talos say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat.

“AAAARTE!!! Naghihirap ba siya?

“Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!”

Naka-private ang Twitter account ni Salud, pero na-screenshot ito ng ilang netizens at nire-repost ngayon sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IS HE ALLUDING TO BEA ALONZO?

Bagamat walang binanggit na pangalan si Direk Erick, mahihinuhang si Bea ang kanyang pinatatamaan base sa clues na ibinigay nito.

Ngayong araw ay laman ng balita ang pagpirma ni Bea ng exclusive contract sa GMA Network, pagkatapos ng 20 taon bilang Kapamilya artist.

Bago umalis ng ABS-CBN, nakatakda sanang gawin ni Bea ang teleseryeng Kahit Minsan Lang kung saan makakasama niya sina Richard Gutierrez at Rafael Rosell.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa katunayan, nakunan na ang ilang mga eksena nito sa isang fishport sa General Santos City noong September 2019.

Pero makalipas ang isang taon, noong September 2020, inanunsiyo ng Star Creatives, entertainment production unit ng ABS-CBN, na kinansela na ang Kahit Minsan Lang, dahil sa pandemya.

Bahagi ng pahayag ng Star Creatives: "The nature of the material developed for [Bea] Alonzo cannot be accommodated at present because of the restrictive scenarios of shooting. Nonetheless, Star Creatives said it is looking forward to working with Alonzo again in the future."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 2020, umalis si Bea sa poder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Isa pang clue na si Bea ang tinutukoy ni Direk Erick ay dahil may malaking farm ang aktres sa Zambales.

Nagkatrabaho sina Bea at Direk Erick sa primetime series na I Heart Betty La Fea (2008-2009).

Ilang pa sa mga idinirek na teleserye ni Direk Erick ay My Girl (2008), Kung Tayo’y Magkakalayo (2010), Aryana (2012), at Doble Kara (2015).

Bukod sa pagiging direktor, si Salud ay business unit head din ng Dreamscape, ang TV production company sa ABS-CBN.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Who is ABS-CBN director Erick Salud alluding to in his tweet about an actress who transferred to another network? Is it Bea Alonzo?
PHOTO/S: Facebook (Eric John Salut) / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results