Ngayong gabi na, June 2, 2021, ang finale ng top-rating prime-time teleserye ng GMA-7, ang First Yaya.
Bida rito sina Gabby Concepcion,56, at Sanya Lopez, 24, na sa kabila ng 33-year age gap ay marami ang kinilig sa tandem nila.
Inamin ni Sanya na siya raw mismo, nagulat sa naging mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Kapuso.
Aniya, “Honestly po, talagang na-surprise ako. Siguro kaya ganoon ang chemistry namin, malaking bagay po yung naka-lock in kami. Mas nakilala namin ang isa’t-isa,
"And working with Mr. Gabby Concepcion, hindi naman ganoon kahirap kasi kaya niyang mag-adjust, kaya niyang makibagay sa iyo.
"So parang kahit sino ka pa at kahit sinong i-partner sa kanya, I think magkakaroon naman po talaga ng chemistry.
"Hindi niya ipinaramdam sa akin na mahirap siyang katrabaho kaya I’m very happy rin na siya ang naging partner ko rito sa First Yaya dahil naging madali for me.
"Although yung kaba, laging nandoon for me at ayokong maalis ang kaba na iyan.
“And I’m very happy dahil marami rin akong natutunan sa kanya bilang actor din.”
SANYA'S CLOSENESS TO FIRST YAYA CO-STARS
Ayon pa kay Sanya, malaking bagay na naging close sa isa't isa ang buong cast during the lock-in taping.
Kuwento niya, “Behind the camera, talagang sobrang close namin. Minsan nga, natatakot ako na baka minsan, ma-misinterpret din ng iba.
"‘Yung closeness naming lahat, iisa lang din naman, ganoon din naman kami sa lahat, e.
"Sobrang close lang namin to the point na, of course, meron din kaming mga sikreto na kami-kami lang ang nakakaalam.
"So nandoon na rin kami sa point na nagsasabihan na rin kami ng mga sikreto sa isa’t-isa.”
WHAT SANYA WILL MISS ABOUT FIRST YAYA
Bukod sa co-stars, puring-puri rin ang aktres sa direktor na si L.A. Madridejos.
Ano ang mga mami-miss niya sa serye?
Lahad niya, “Ang pinaka-mami-miss ko, of course, yung samahan naming lahat.
"Kung paano kami nag-grow dito sa First Yaya, yung bawat isa, at kung paano rin kami turuan ni Direk L.A.
"Kasi, dito ko po na-realize na hindi madali ang work namin, at napakalaki ng naitulong ni Direk L.A. sa bawat character na ginagampanan namin.”
Pagdating sa kasikatan, mukhang maraming nabago sa kanya simula noong naging si Yaya Melody siya?
Malalim na tugon ni Sofia, “Siguro ang masasabi ko, kung paano niya binago ang buhay ko, mas lumalim lang ang pagkakakilala ko, lalo na sa mga kasambahay at sa buhay natin, lalo na kapag kasama ko ang pamilya ko.
"Mas nakilala ko ang sarili ko rito at yung ibang tao, mas nagkaroon ako ng respect sa kanila at yung halaga ng bawat isa.
"Yun ang nagpa-realize sa akin, lalo na sa mga kasambahay na lahat tayo, may kanya-kanyang dinadalang problema.
“Before po kasi, parang meron ako sa sarili ko na ako lang ang mahalaga. Pero dito po, mas nakilala ko ang sarili ko na sa buhay natin, hindi lang ikaw ang mahalaga.
"Mahalaga rin ang buhay ng ibang tao, yung saya rin nila, yung ngiti nila.”
Dagdag tanong sa akres, sa kasikatan, naramdaman ba niya ang pagbabago?
“Hindi ko po alam, kasi hindi ko po maisip at ganoon pa rin po. Usually nakikita ko lang sa social media, yung feedback na nagugustuhan nila ang First Yaya.
“And yun naman po kasi, hindi naman po sa akin, dahil po sa buong cast ng First Yaya, sa magagaling na writers at directors.
“Kaya hanggang ngayon po, ganoon pa rin po at wala po akong maisip kung hindi thankful po ako na naging part ako ng First Yaya.”
Sa huli ay nag-iba raw ang pananaw ni Sanya tungkol sa romantic-comedy genre.
Kaya naman sa susunod daw na proyekto nito, gusto niya rom-com pa rin.
Aniya, “Isang bagay na na-realize ko rito sa First Yaya, mahirap palang gumanap ng rom-com.
"Marami akong roles or characters na gustong gampanan talaga, pero mahirap—- gusto ko pang magkaroon ng project na romcom or another rom-com para mas mahasa pa."
Nakausap si Sanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members ng media noong Huwebes, June 24, sa Zoom mediacon para sa finale week ng First Yaya.
