Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party

by Rachelle Siazon
Jul 8, 2021
When Robin Padilla was told by daughter Kylie (left photo) that she cannot be with husband Aljur anymore: "Kaya lang hindi na uso mga martir ngayon. Tanggapin natin, wala na tayo dun. Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nung nag-usap kami. 'Lalaki iyang asawa mo. Pasalamat ka nga, anak mo, lalaki.' E, wala, hindi raw niya kaya." Kylie with husband Aljur Abrenica (right photo).
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @ajabrenica Instagram

Inamin ni Robin Padilla na totoong hiwalay na ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Ayon kay Robin, ang anak niyang si Kylie ang nakipaghiwalay kay Aljur dahil sa isang third party.

Si Kylie ay 28 years old, habang si Aljur ay may edad na 31.

Sabi ni Robin, "Noon pa lagi kong tinatanong si Kylie, 'Agrabyado ka ba? Hindi naman daw.

"Eto, tinanong ko uli, 'Anak, agrabyado ka ba?' 'Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e.'"

Inihayag ito ni Robin sa eksklusibong panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube vlog ng huli nitong July 7.

Tahasang tinanong si Robin kung third party ang dahilan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur.

Diretsong sagot ni Robin, "Meron daw, e. E, imposible ba yun? Hindi naman imposible yun. E, lalaki 'yan."

Wala raw sa posisyon si Robin para husgahan si Aljur dahil maging siya ay "ilang beses" nang may karanasan sa pambababae noong kabataan niya.

Continue reading below ↓

Masakit man daw na makitang nasasaktan ang anak, naiintindihan daw niya kung hindi tanggap ni Kylie ang pagkakamali ni Aljur.

Paliwanag ni Robin, "Kaya lang, hindi na uso mga martir ngayon. Tanggapin natin, wala na tayo dun.

"Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nung nag-usap kami. 'Lalaki iyang asawa mo. Pasalamat ka nga, anak mo, lalaki.'

"E, wala, hindi raw niya kaya."

Sabi niya ukol kay Aljur, "Hindi naman ako yung tipo na abogado mo ako. Ah, hindi naman. Anak ko yun. Alangan naman maging abogado mo pa ako."

Ayaw nga raw niyang makialam sa alitan nina Kylie at Aljur.

Diretsong sabi pa rin ni Robin, "Wala naman papel ang tatay dun. Ako, ha, hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa 'yan. May mga anak pa.

"Masakit sa akin, siyempre, sa akin ang remembrance, e. Yung mga apo nasa nanay.

"Pero hindi issue sa akin yun."

WHAT ROBIN TOLD ALJUR

Kuwento pa ni Robin kay Ogie, sinubukan ni Aljur na tawagan siya sa telepono.

Continue reading below ↓

Pero hindi na raw niya pinahaba ang kanilang usapan, at isang bagay lang ang hiniling niya rito.

"Tumatawag si Ajur sa akin, hindi ko sinasagot. Minessage ko lang siya.

"Sabi ko, 'Isa lang ang gusto ko. Tumigil kayo sa social media. Nakakahiya 'yan. Wala akong ano diyan. Problema niyo 'yan. Isipin niyo mga anak niyo.'"

Ayaw raw niyang idaan nina Aljur at Kylie sa parinigan sa social media ang kanilang alitan.

Sabi pa ni Robin: "Baduy na baduy ako sa social media! Para sa akin lang, makikita ng mga anak mo yun.

"Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway.

"Bakit? Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayo pareho. Anong dahilan?

"Nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari at mangyayari 'yan.

"Hindi 'yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari [ang third party issue] lalo at nasa showbiz tayo."

Hindi rin naman daw hiniling ni Kylie na kausapin ni Robin si Aljur.

Continue reading below ↓

"Ay, hindi rin ako papayag pag sinabi ni Kylie," ani Robin.

Katuwiran niya, "Ano sasabihin ko kay Aljur? 'Gago ka! Ba't ka nambabae?' Sasabihin sa akin ni Aljur, 'Bakit kayo, Pa, hindi ba kayo nambabae?'"

Sabay natatawang hirit niya, "Ayoko masagot nun! Ayoko. Mapapahiya ako."

Aminadong "cool" lang si Robin pagdating sa isyung pambababae dahil bukod sa dinaanan niya iyon ay ayaw rin niya ng "drama."

Continue reading below ↓

NO PHYSICAL ABUSE

Ang hindi raw niya matatanggap ay kung pisikal na sinaktan ni Aljur si Kylie.

At sa kasong ito, siniguro ni Robin na walang ganoong pangyayari.

"Siyempre, walang sakitan at walang pisikalan. Yun naman ang sinabi ko kay Aljur," aniya.

Siniguro rin daw iyon ni Robin nang makausap niya si Kylie.

"Siyempre, ang mga unang tanong ko, 'Sinaktan ka ba?' Yun ang unang tanong. Dun lang tayo papasok, kapag nasaktan ang anak mo.

"Wala naman. Mabait naman din si Aljur."

Kaya para kay Robin, hindi niya hinihinging mag-sorry sa kanya si Aljur.

Kaswal na sabi niya, "Hindi na kailangan. Ang baduy nun! Mag-sorry ka kung sinaktan niya nang pisikal."

Kung sakaling mangyari iyon, babala ni Robin, "P***, hahantingin kita, Aljur. T*****. Huwag mo gagawin yun sa anak ko. Hindi ko sinaktan yung batang 'yan. Huwag mo gagawin yun, pare."

Sabay paglilinaw uli ni Robin, "Pero yung ganyang baba-babae, natatawa pa ako diyan."

Continue reading below ↓

Iyon din naman daw ang ipinarating ni Robin kay Kylie.

"Oo, cool ako. Sa panahon ngayon, huwag tayo maglokohan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaking makakatanggi sa tukso...

"Basta walang pisikal na nangyari. Iyan iwasan natin. Huwag darating doon. Pangit."


STILL HOPING KYLIE AND ALJUR WILL RECONCILE

Sa kabila ng lahat, naniniwala si Robin na hindi ganoon kadaling mawala ang pag-ibig sa pagitan ng mag-asawang Kylie at Aljur.

Continue reading below ↓

"Imposibleng wala 'yan," bulalas ni Robin.

Pabor daw siya kung kusang magkaayos pa rin ang mga ito.

"Sana, kasi para sa mga bata, sa mga anak nila. At sana wag nila patagalin kung magbabalikan sila.

"Kasi pag tumagal 'yan, masyado nang maraming mangyayari," dagdag niya.

Sa pagkakaalam ni Robin ay nagkakausap pa rin ang mag-asawa para sa mga anak.

"Mukha naman, kasi nung Father's Day, andun mga bata. Nag-uusap naman sila," saad niya.

WHEN BREAKUP RUMORS STARTED

Noong Pebrero 22, 2021, unang naiulat ang cryptic posts ni Kylie na nagpapahiwatig na may dinadaanan itong pagsubok.

Isa sa posts noon ni Kylie sa social media, "I'm submissive not stupid."

Napuna rin ang hiwalay na post ni Aljur na may hawak itong rosaryo at nagdarasal para magkaroon siya ng "peace" at "clarity."

Tikom naman ang bibig ng mag-asawa ukol dito.

Hanggang sa noong March 26, nakitang masayang magkasama ang dalawa sa pagdiriwang ni Aljur ng ika-31 kaarawan nito.

Continue reading below ↓

Makalipas ang dalawang buwan, sa isang mediacon noong May 24, inamin ni Aljur na nagkaproblema sila ni Kylie, pero hindi niya idinetalye kung ano ito.

Nanatili namang tahimik si Kylie hanggang ngayon.

Base sa kanyang Instagram posts, abala ang aktres sa pagiging hands-on mom sa dalawang anak nila ni Aljur na sina Alas, 4, at Axl, 1.

Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December 11, 2018.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When Robin Padilla was told by daughter Kylie (left photo) that she cannot be with husband Aljur anymore: "Kaya lang hindi na uso mga martir ngayon. Tanggapin natin, wala na tayo dun. Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nung nag-usap kami. 'Lalaki iyang asawa mo. Pasalamat ka nga, anak mo, lalaki.' E, wala, hindi raw niya kaya." Kylie with husband Aljur Abrenica (right photo).
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results