Aljur Abrenica celebrates 31st birthday with wife Kylie Padilla and their sons

by Arniel C. Serato
Mar 26, 2021
Aljur Abrenica 31st birthday celebration
Kylie Padilla to husband Aljur Abrenica on his 31st birthday: "Grateful."
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica on Instagram

Masayang ipinagdiwang ni Aljur Abrenica ang kanyang ika-31 kaarawan noong March 24, Miyerkules.

Kumpleto at buo kasi ang pamilya ng aktor sa selebrasyon ng kanyang kaarawan kahit nasa gitna pa rin ng pandemya ang Pilipinas.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Aljur ang dalawang videos at dalawang pictures na kuha sa intimate family-only party nila kahapon, March 25.

Sa unang video, makikitang karga-karga ni Aljur ang panganay na anak na si Alas Joaquin, 3, habang kinakantahan siya ng happy birthday ng mga taong nasa paligid niya.

Bago mag-blow ng candle, ipinasa ng misis ni Aljur na si Kylie Padilla ang bunso nilang anak na si Axl Romeo Abrenica, 1. Maririnig ang salita ng aktres na, "Sinong magbu-blow, I wonder?"

Sa ikalawang video ay makikita namang binu-blow ni Alas ang birthday candles ng ama, at kalaunan ay sumama na rin si Axl sa pag-ihip sa mga kandila.

Mensahe ni Aljur sa caption, “Unang una salamat sa Panginoon sa tuloy-tuloy na biyayang pinagkaloob niya sa 31 years ng eksistensiya ko.”

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din siyang buo ang pamilya niya sa pinakaimportanteng yugto ng kanyang buhay. Ganundin sa kanyang mga kaibigan.

“Pamilya na laging nandyan upang alalayan ako. Sa mga Kaibigan na nagtitiwala at nanatiling totoo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.”

Hindi rin nakalimutan ni Aljur na bigyang pugay ang asawang si Kylie at ang dalawa nilang anak na gabay raw niya upang lalo pang pagbutihin ang kanyang buhay bilang haligi ng pamilya.

Aniya, “Sa aking Asawa at mga Anak na nadyan upang mas pagbutihin ko pa ang aking sarili.

"Salamat sa lahat ng nakaalala at bumati sa aking Kaarawan. Wala na akong mahihiling pa sa kung ano man meron ako. [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

GRATEFUL

Sa kanyang Instagram Stories, nagbahagi rin si Kylie ng ilang videos na kuha sa selebrasyon.

Nilagyan niya ito ng pagbati sa asawa: “Happy birthday.”

IG Story: Kylie Padilla posts Aljur birthday cake

Continue reading below ↓

Sa isa pang video, kitang enjoy na enjoy si Alas sa kinain nitong cake.

Naka-tag sa post ni Kylie si Aljur.

IG Story: Son Alas eating Aljur cake

Sa isa pang post, sinabi ni Kylie na nakakatuwang nag-e-enjoy ang kanilang anak sa sandbox na inihanda ng asawa.

Saad niya sa caption, “I just love watching my kids be. This sandbox was so thoughtful. Thanks for making this for our kids.

Continue reading below ↓

"[praying hands emoji] it’s these things that they will remember. @ajabrenica

“Grateful [sparkles emoji]”

Dahil dito, mukhang naplantsa na ang hindi pagkakaintindihan ng mag-asawa na lumutang nitong nakaraang Pebrero ngayong taon.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla to husband Aljur Abrenica on his 31st birthday: "Grateful."
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results