PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie posts quotes about healing amid breakup with Aljur

Kylie Padilla reposts funny movie clip about wife slapping her sleeping husband.
by Rachelle Siazon
Published Jul 8, 2021
Sa kabila ng napabalitang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica, consistent si Kylie Padilla sa pagbahagi ng inspirational messages kung paano mahalin ang sarili. Nag-repost din ang aktres ng comedy movie clip kunsaan sinampal ng babae ang asawa nitong mahimbing na natutulog. May written text ang repost ni Kylie na "Minsan."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @ajabrenica Instagram

Tila tutok si Kylie Padilla sa pagpapahalaga sa sarili at pagprotekta sa kanyang peace of mind.

Ito ay sa gitna ng rebelasyong hiwalay na sila ng asawa niyang si Albur Abrenica, ayon mismo sa ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Sa kanyang Instagram Stories ngayong Hulyo 8, Huwebes, makikitang inspirational quotes ang ibinabahagi ni Kylie.

Una na rito ang paalalang kilalanin nang husto ang sarili, at harapin kung anuman ang "emotional blockages" para maghilom ang mga sugat ng kahapon.

Sabi pa sa art card: "True change starts from within."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"WHO ARE YOU FOR YOURSELF?"

Sumunod na repost ni Kylie ay isang inspirational video tungkol sa "aha moment" na nagpabago sa perspektibo ng isang tao.

Isang lalaki ang nagkuwento na maituturing siyang "well-adjusted person" pero humingi siya ng tulong sa therapist.

Ang problema ng lalaki, isa siyang "good father, good husband, good friend, at good employee" pero nais niyang mas gumaling pa sa mga aspetong ito.

Pero tanong ng therapist sa lalaki: "Who are you for yourself? Who are you outside of those roles?"

Sa puntong iyon, napaiyak ang lalaki dahil wala raw pala siyang naitira para sa sarili.

Sabi pa ng lalaki sa video: "I heard myself say, I'm not sure there's much of a person at the end of all that.

"That was the beginning of me figuring out who I was at 30 something years old.

"Everything changed after that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FUNNY VIDEO OF WIFE SLAPPING HER SLEEPING HUSBAND

Sa kabilang banda, tila naaliw naman si Kylie sa isang movie clip ng eksenang kuha sa 1964 American comedy film na Send Me No Flowers.

Makikitang tiim-bagang ang aktres na si Doris Day habang nakatitig sa asawang ginampanan ng aktor na si Rock Hudson.

Nanggigigil na sinampal ni Doris si Rock, na naalimputangan sa mahimbing nitong pagkakatulog.

Kakatwang maang-maangan naman si Doris, sabay umaktong nag-aalala sa asawang takang-taka at hindi mawari kung bakit tila may sumampal sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang Instagram Stories, ni-repost ni Kylie ang movie clip at nilagyan ng written text na "Minsan."

TAKING CARE OF HERSELF

Kung anuman ang reaksiyon ni Kylie sa nasabi ng ama niyang si Robin tungkol sa kanila ni Aljur ay tikom ang bibig ng aktes.

Tila dedma siya sa isyu at nag-post lang ng litrato matapos niyang mag-workout.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Consistent ito sa kanyang pag-aalaga sa sarili, base sa iba niyang social media posts.

Noong June 18, in-enjoy ni Kylie ang pag-skate sa kalsada gamit ang kanyang roller blades.

Caption niya, "Conquering shadows."

May inspirational quote din siya noong June 15 tungkol sa pagiging positibo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong May 7, ipinakita ni Kylie ang kanyang super short hair at sinabing pinutol niya ang lahat ng kanyang alaala.

Sabay binawi rin niya at sinabing nagpagpupit siya para sa isang proyekto.

ROBIN'S REVELATION ABOUT KYLIE AND ALJUR

Nitong July 7, sa panayam ni Ogie Diaz, nagsalita si Robin tungkol sa pakikipaghiwalay ni Kylie kay Aljur dahil sa isyung third party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw panghimasukan ni Robin ang away mag-asawa.

Umaasa si Robin na kusang magkaayos sina Kylie at Aljur para sa kapakanan ng dalawang anak ng mga ito.

Pero kung hindi, naniniwala raw si Robin na hindi dapat maghiwalay ang mga ito nang magkaaway dahil minsan din silang nagmahalan.

Ikinasal sina Aljur at Kylie noong December 11, 2018. May dalawa silang anak—sina Alas, 4, at Axl, 1.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng napabalitang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica, consistent si Kylie Padilla sa pagbahagi ng inspirational messages kung paano mahalin ang sarili. Nag-repost din ang aktres ng comedy movie clip kunsaan sinampal ng babae ang asawa nitong mahimbing na natutulog. May written text ang repost ni Kylie na "Minsan."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results