PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame hints at leaving Wowowin; to make big decision soon

Netizens are speculating that Willie Revillame will run in 2021 elections.
by Bernie V. Franco
Published Jul 10, 2021
TV host Willie Revillame reveals he is making a big decision very soon. Netizens are guessing that the veteran host may announce that he is entering politics.
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)

Isang mabigat na desisyon daw ang kailangang gawin ni Willie Revillame sa mga darating na araw.

Sa kanyang makahulugang pahayag, nabanggit ni Willie na posibleng iwanan niya ang pagiging host ng Wowowin-Tutok To Win, ang game show niya sa GMA-7.

Pero nais daw niyang may pumalit sa kanya para ipagpatuloy ang programa kung sakaling iwan niya ito.

“Sa tamang panahon sasabihin ko ho yung magiging desisyon ko at sasabihin ko ho dito sa programang ito,” pahayag ng host sa kanyang show noong nakaraang Huwebes, July 8.

“Mawala man ako, gusto ko meron pa rin isang host na makakausap niyo.

“Kung sakali hong iyon ang magiging desisyon ko sa buhay ko, e, mabigat.

“Pagdadasal ko ‘tong mabuti. Pag-iisipan ko ‘tong mabuti," sabi ni Willie.

“Pero sana ho, nakikiusap ako, tuluy-tuloy pa rin ang programang ito, dahil ang ganitong programa hindi dapat nawawala.

“Itong programang ‘to, dapat ho laging nandiyan, mawala man ako sa mundo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Willie, marami raw tao ang natutulungan ng kanyang programa.

Pero dumarating daw minsan sa buhay ng tao na kailangan niyang gumawa ng mabigat na desisyon.

“E, siyempre, dumarating yung time, dumarating sa buhay mo, na dapat kang magdesisyon, sa tamang panahon,” paliwanag niya.

Hindi nagdetalye si Willie kung ang desisyon niya ay may kinalaman sa personal niyang buhay, sa trabaho, o sa pulitika.

“Sa tamang oras ho, sasabihin ko kung ano yung magiging desisyon ko sa buhay ko," aniya.

“Iniisip ko lahat. Sa bawat nakasama ko sa industriyang ito.

“Bago ako magdesisyon sa buhay ko, kayo makakaalam, walang iba.

“Dito sa programang ito, malalaman niyo kung anong desisyon ko.

“Abangan niyo po ‘yan, pero wala pang desisyon.”

IS WILLIE ENTERING POLITICS?

Sa comments section ng YouTube video, halu-halo ang reaksiyon ng mga tagahanga ni Willie.

May mga nalungkot, habang ang iba ay nangakong susuportahan nila ang veteran host kung anuman ang tatahakin nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, kapansin-pansing maraming netizen ang nagkomentong posibleng nagpapahiwatig si Willie na papasukin niya ang pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon pa man ay laging natatanong si Willie kung may posibilidad na pasukin niya ang pulitika.

Noong Pebrero lamang, sa isang episode ng kanyang show, sinabi ni Willie na hindi pa niya iniisip ang isyu ng pagsabak sa eleksiyon.

“Hindi ko naiisip ‘yan. Nag-e-enjoy ako sa buhay ko at sa show ko,” sabi ni Willie noon.

Pero gaya ng sinabi ni Willie, sa mga susunod na araw ay malalaman ng publiko kung ang desisyon niya ay tungkol sa pagpasok sa pulitika o tungkol sa kanyang personal na buhay.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Willie Revillame reveals he is making a big decision very soon. Netizens are guessing that the veteran host may announce that he is entering politics.
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results