PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin answers bashers criticizing her for weight gain

Angel Locsin admits to being mataba, but maintains she has self-love.
by Bernie V. Franco
Published Jul 14, 2021
Angel Locsin fat
Angel Locsin on her weight issue: “I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko.”
PHOTO/S: @therealangellocsin, @antheabueno on Instagram/YouTube ABS-CBN Entertainment

Binasag na ni Angel Locsin ang kanyang katahimikan hinggil sa pang-iintriga tungkol sa kanyang weight gain.

Isang taon na ang nakalilipas mula nang mag-viral ang paparazzi shots ng Kapamilya actress, kung saan kapansin-pansin na nadagdagan ang kanyang timbang.

Simula noon, maraming pagkakataong iniisyu si Angel tungkol sa kanyang pangangatawan.

Umabot pa sa pagkakataong na-body shame ang aktres sa isang module ng Department of Education (DepEd) sa Occidental Mindoro.

Sa kabila ng diskriminasyon, mas itinuon ni Angel ang pansin sa mas mahahalagang bagay, katulad ng trabaho at pagtulong sa kapwa.

Pero nitong July 10, naglabas ng saloobin si Angel kung bakit hindi niya sinasagot ang bashers na umalipusta sa kanyang katawan.

"Hindi ako nagsasalita kasi, parang ano ang sasabihin ko, iyon yung opinyon [nila] sa sarili ko?

"Totoo naman, mataba naman talaga ako," diretsong sabi ni Angel.

Pero giit niya, "Pero di naman masusukat nun kung sino ako."

Nakapanayam si Angel sa YouTube channel ng Over A Glass or Two nitong Sabado, July 10, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mag-viral daw ang kanyang mga larawan noong nakaraang taon, napaisip si Angel kung bakit big deal para sa iba ang kanyang timbang.

"Totoo nga, ‘no? Andami nilang opinyon tungkol sa sarili ko.

"I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko."

May self-love daw si Angel sa kabila ng pang-iintriga sa kanya dahil alam niyang hindi rin biro ang mga pinagdaaanan niya sa buhay.

Sabi niya, "Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan…

"Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve.

"Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin.

"Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, really grateful."

ANGEL: "I'M A WORK IN PROGRESS."

Ayon pa kay Angel, tanggap niya ang pagdagdag ng kanyang timbang at hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng sasabihin ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe niya sa kanyang mga kritiko, "I’m a work in progress. Kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I’m sorry to hear that.

"But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay..."

Sabi pa ni Angel, "And tanggap ko, I’m a work in progress.

"Alam ko naman ‘yon, e. Lahat naman tayo.

"Maganda ‘yon because there is room for improvement, di ba?"

Natanong si Angel dahil sa recent posts niya na sumasailalim siya ngayon sa isang uri ng diet.

Hindi raw ito para sa vanity o hitsura.

"For my health talaga. For my health lang talaga," paglilinaw ni Angel.

Nang magpabakuna raw siya kontra COVID-19, natuklasan ni Angel na mataas ang kanyang blood pressure.

"Nakikita natin yung blood pressure natin. So, yung sa ‘kin mataas, mataas siya.

"Kaya kailangan ko siyang pagtuunan ng pansin," pagtukoy niya sa kanyang kalusugan.

Dagdag ni Angel, "It’s not really for vanity. Siguro bonus na lang din ‘yon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero hinahabol natin yung importante, yung health, di ba? Alagaan natin sarili natin."

May payo rin si Angel sa mga gustong sumailalim sa pagda-diet o fitness programs.

"Sa mga gustong mag-diet, gawin niyo para sa sarili niyo, hindi para sa ibang tao, ha? Para sa inyo," diin ng actress-philanthropist.

Paalala pa niya, "Kasi, kahit anumang weight natin, kahit anong hitsura natin, you’re perfect, you’re you, you’re unique. Own it.

"We're human. Tao lang tayo.

"Hindi naman tayo yung mga nasa magazines na dini-dictate ng society sa atin. Na yun perfect, yun ang maganda."

RELATED STORY

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on her weight issue: “I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko.”
PHOTO/S: @therealangellocsin, @antheabueno on Instagram/YouTube ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results