Fans rush to defend Angel Locsin against body-shaming comments

by Jet Hitosis
Jun 19, 2020
The latest photos of actress-philanthropist Angel Locsin taken on June 16 went viral on social media, after netizens commented—both on the negative and positive ways—on her apparent weight gain.
PHOTO/S: Maubanin Ako on Facebook

Nag-trending ang actress-philanthropist na si Angel Locsin dahil sa latest pictures niyang nag-viral sa social media nitong Huwebes, June 18.

Usap-usapan ng netizens ang malaking nadagdag sa timbang ni Angel, 35, base sa mga litratong kuha nang nagpunta siya sa Mauban, Quezon.

Nitong Martes, June 16, kinuhanan ang mga litrato.

Dumayo sa Mauban ang aktres kasama ang fiancé niyang film producer na si Neil Arce.

Doon nag-taping si Angel para sa bagong docu-reality show na hinu-host niya, ang Iba ‘Yan.

Napanood na ang Iba ‘Yan sa Kapamilya Channel nitong Linggo, June 14.

Sa mga litratong ipinost sa Facebook page ng Maubanin Ako, makikitang nakasuot si Angel ng dark moss green blouse, dark blue pants, black sandals, at may itim na backpack.

Continue reading below ↓

ANGEL GETS BODY-SHAMED

Mabilis na napuna ng netizens ang hugis ng katawan ng Kapamilya actress.

Marami sa kanila ang nagpahayag ng pagkagulat sa weight gain ni Angel.

Nakakabigla raw makita ang mga bagong pictures ng aktres, na dalawang beses na hinirang bilang Sexiest Woman in the World ng men’s magazine na FHM Philippines, noong 2005 at 2010.

Bukod dito, gumanap din si Angel bilang Darna sa TV series ng GMA-7 noong 2005.

Ang nabanggit na iconic role ang nagpasikat kay Angel, na binagayan ng sexy costume ng Pinay superheroine.

Ang mga ito marahil ang nasa isip ng netizens, na hayagang nagbitaw ng body-shaming comments laban sa aktres.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

FANS RUSH TO ANGEL’S DEFENSE

Kaagad namang dinepensahan si Angel ng kanyang fans.

At press time, libu-libo na ang nag-tweet na nagsasabing body positivity vibes ang hatid ng mga latest pictures ng aktres.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa estado ngayon ni Angel bilang actress-humanitarian, wala na siyang kailangang patunayan pa, ayon sa netizens.

Pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan, si Angel daw ang "real-life Darna."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Walang issue sa fans ng aktres ang kanyang weight gain.

Ayon sa kanila, si Angel ang living proof na hindi batayan ng kagandahan ang timbang ng isang tao—kundi ang kabutihan ng puso nito.

Sa katunayan, anila, inspirasyon para sa mga plus-sized women ang isang katulad ni Angel.

Continue reading below ↓

Pinuri rin ng isang Twitter user ang kumpiyansa ng aktres sa sarili.

Bukod dun, halata raw na kuntento at masaya si Angel sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓

ANGEL THE VOLUNTEER, PHILANTHROPIST

Iisa ang ikinakatwiran ng fans ni Angel: Hindi matatawaran ang walang sawang pagtulong niya sa mga Pilipinong nangangailangan.

Sa katunayan, nitong December 2019 ay napabilang ang aktres sa Heroes of Philanthropy list ng Forbes Asia.

Ito ay bilang pagkilala sa mga naitulong ni Angel sa mga apektado ng digmaan at kalamidad sa bansa sa nakalipas na mga taon.

Nang magkaroon ng coronavirus pandemic, naglunsad ng donation campaign si Angel para makapagtayo ng isolation tents sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Kasunod nito, pinasimulan naman ng aktres ang online auction ng mga pre-loved items ng celebrities.

Layunin niyang makalikom ng pera para makapagsagawa ng mass testing sa mahihirap.

“KATAWAN KO ‘TO, AKO ‘TO, SARILI KO ‘TO”

Dati nang nagbigay ng reaksiyon si Angel sa mga bumabatikos sa kanyang weight gain.

Sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda noong January 2019, tinanong ni Boy si Angel kung naaapektuhan ba ang aktres sa mga komento ng body-shamers.

Continue reading below ↓

Sagot ni Angel: "Hindi mo na lang papatulan.

"May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo.

“Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang 'yan… ayaw ko mag-deal sa mga ganung klaseng tao.

"Kasi ang sad, ang sad ng life niya.

“Kasi ako, wala akong problema.”

Kasunod nito, nagbigay si Angel ng mensahe sa mga body-shamers:

“Bakit ikaw ang dami mong issue?

“Ako nga, walang issue, e.

“Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.

“Ikaw, okay ka ba?”

Sa parehong interview, sinabi ni Angel na limitado lang ang physical activities na pupuwede niyang gawin dahil sa kanyang disc bulge.

Ayon sa physioworks.com.au, ang bulging disc ay isang spine injury na bunsod ng "pre-existing weakness" sa isang bahagi ng gulugod.

Dahil sa kanyang sakit, hindi nakakapag-workout ang aktres.

Sinabi ni Angel kay Boy na tanggap na niyang "for life" na ang kanyang kondisyong medikal.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The latest photos of actress-philanthropist Angel Locsin taken on June 16 went viral on social media, after netizens commented—both on the negative and positive ways—on her apparent weight gain.
PHOTO/S: Maubanin Ako on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results