Nag-positibo si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa COVID-19.
Sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala niya sa media kabilang na ang GMA News ngayong araw, July 17, kinumpirma ng actor-turned-public servant na maaring nahawaan siya habang ginagawa niya ang kanyang trabaho bilang alkalde.
Sabi ni Mayor Richard, “I tested positive for Covid. It could be my exposure from multiple people because of work I do as mayor. But I will be ok.”
Mild symptoms lamang daw ang kanyang nararamdaman at kasalukuyan na siyang naka-isolate sa ngayon.
Babalik din kaagad siya sa kanyang trabaho kapag gumaling na siya at binigyan na ng clearance ng kanyang mga doktor.
Dagdag pa niya, “I will need a lot of rest and will have to be in isolation until I’m better.
"Symptoms are mild and manageable and I will go back to work as soon as doctors will give the clearance.
"I ask everyone to continue to be vigilant and safe."
Nabakunahan na rin siya ng kanyang first dose ng COVID-19 vaccine may walong linggo na ang nakaraan.
View this post on Instagram
