Ikinasal na sina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.
Ngayong araw, July 17, 2021, nag-post ang mag-asawa ng larawan ng kanilang civil wedding na ginanap sa Supreme Court, Manila.
Sinakto daw nila sa kanilang ika-pitong anibersaryo ang kanilang pagpapakasal.
Caption ni Rachel sa kanyang Instagram post, “Celebrated 7 years together by making it official”
View this post on Instagram
Sa kanyang panig, nagpasalamat naman si Migz kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na pumayag na doon sila ikasal.
Si Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan ang nagkasal sa kanila.
Sabi ni Migz, “Mr&Mrs V [heart emoji]. Thank you to Chief Justice Gesmundo and Justice Gaerlan for the honor of Marrying us.”
Dagdag pa niya, magkakaroon pa sila ng isang kasal sa susunod na taon para naman makadalo ang kanilang mga kapamilya, kaibigan, at ang kanilang paparating na supling.
Saad pa nito, “I love you so much @rachelpetersx! You are my dream woman.
“I cant wait to marry you again next year with all our family, friends and most especially our little one coming soon.”
View this post on Instagram
