Dinepensahan ni Dani Barretto ang sarili laban sa mga batikos dahil sa diumano’y mga patutsada niya laban sa amang si Kier Legaspi.
Nag-ugat ito sa naging panayam ni Dani sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan saglit na napag-usapan si Kier.
Sa panayam niya kay Dra. Belo noong July 15, sinabi ng 27-year-old content creator na halos pitong taon na silang hindi nagkikita nang personal ni Kier.
Saad ni Dani, "I didn't even have his number. I had to ask for his number sa lola ko, his mom. I called him and we spoke.”
May plano rin daw si Dani na makipagkita sa ama pero nauudlot ito dahil sa pandemya.
Aniya, "We kept trying to plan to see each other but because of COVID hindi kami matuluy-tuloy."
Kahit may tampuhan sila, naramdaman daw ni Dani noong nakaraang taon na gusto na niyang makitang muli ang ama.
Sabi niya, "I spoke to him last year. I called him.
"I was very emotional. I knew he was just there. I wanted my daughter to know him.
"I don't want my daughter to grow up na what if she asks me about my dad, wala ako masagot because I don't know what's happening in his life."
Para sa ilang nakapanood at nakabasa ng kanyang panayam, hindi naging maganda ang dating nito. Pinaratangan nila si Dani na sinisiraan ang sariling ama.
Sa pahayag niya sa GMA News Online ngayong Biyernes, July 23, nilinaw ni Dani na hindi si Kier ang sentro ng buong panayam sa kanya ni Dra. Belo pero natanong siya tungkol sa ama kaya niya ito sinagot.
Wala raw siyang "hidden agenda" na atakihin ang ama.
Sabi ni Dani, "I was asked about him, but the interview wasn't about him.
"There was no hidden agenda to make him feel like he was being attacked. I have no guilt towards my father.”
KIER’S CRYPTIC POST
Isa rin sa mga napag-usapan sa panayam ni Dani kay ni Dra. Belo ang tungkol sa pagiging absent ni Kier sa ilang mahahalagang okasyon sa buhay niya. Naghiwalay raw ang kanyang ama at inang si Marjorie Barretto noong 1993, taon ng kanyang kapanganakan.
Sabi ni Dani, "I don't think I actually celebrated a birthday with my dad. Growing up, that was actually a major frustration for me.
"Kasi siyempre, when you have friends, you see them at birthday parties, tapos may cake blowing, tapos complete family pag may birthday.
"I didn't have that growing up. It wasn't naman much of a bubog."
Mukhang hindi naman nagustuhan ni Kier ang mga sinabi ni Dani tungkol sa kanya.
Tila ito ang pahiwatig ng cryptic message ng aktor sa Instagram noong July 19.
Makahulugang mensahe niya: "Magpainterview kaya ako para yung side ko naman ang marinig.
"I'm trying to take all the punches and lies but let's see how you would feel if I tell my side of the story.
"Game?"
View this post on Instagram
Sa ulat ng GMA News Online, may ipinakita silang larawan kay Dani na kuha noong second birthday celebration niya.
Makikitang karga-karga siya ni Kier habang napapalibutan ng mga bisita sa party.

Mayroon din siyang solo picture sa harap ng kanyang birthday cake.

Sabi ni Dani ukol sa larawan: “I apologize if I don't remember him being at my 2nd birthday party.
"I honestly don't even remember having a 2nd or a 3rd birthday party. For that, I apologize."
Posible ngang hindi maalaala ito ni Dani dahil dalawang taong gulang pa lamang siya noon.
Dagdag pa ni Dani, may number niya ang ama kaya maaari siyang tawagan nito anumang oras at araw.
Aniya, "He can call me anytime. My phone is always open, and he is welcome to come to our house anytime to talk about these things, and also so he can finally meet his granddaughter."
