Bea Alonzo calls Dominic Roque "Hon"; are they officially in a relationship?

by Rachelle Siazon
Jul 25, 2021
Looks like Bea Alonzo and Dominic Roque have taken their relationship to the next level as they have given each other a sweet term of endearment. Bea also shows cheek-to-cheek moment with Dominic on the dance floor (left).
PHOTO/S: @beaalonzo / @aamandavillanueva

Opisyal na bang magkasintahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Ito ang tanong ng fans na todo ang kilig ngayong hayagan na ang pagsinta nina Bea, 33, at Dominic, 31, para sa isa't isa.

Hindi nakaligtas sa mapanuring tagasuporta ng couple ang pagtawag ni Bea na "Hon" kay Dominic habang sila ay nagka-camping sa Yosemite National Park.

Continue reading below ↓

Kumukuha ng video ng Yosemite Valley ang kaibigan ni Dominic, at maririnig ang boses ni Bea sa background na tila inaayos ang camera ni Dominic na naka-on.

Masuyong sabi ni Bea, "Hon, nagre-record ito kanina pa."

Hindi gaanong dinig ang sagot ni Dominic na tila nasa di kalayuan.

Narito ang kilig comments ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"INSTAGRAM OFFICIAL"

Hinihinalang nag-level up ang relasyon ng couple lalo na ngayong "Instagram official" na sila makalipas ang isang taon at siyam na buwan na pagiging mas malapit sa isa't isa.

Sa urban dictionary, ang "Instagram official" ay tumutukoy sa relationship status ng isang couple na nag-post sa Instagram ng litrato nilang magkasama.

Kung noon ay tanging si Dominic ang naghahayag ng pagsinta para kay Bea, nitong July 25 ay si Bea na mismo ang nagpo-post sa Instagram ng mga litrato at video nila ng kaka-birthday lang na si Dominic.

Sweet ang cheek-to-cheek moment nila na nagsasayaw sa dance floor ng isang bar. Kasama nila ang tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo at asawa nitong si Adam Hutchinson.

Ipinakita iyon ni Bea sa kanyang Instagram Story.

Continue reading below ↓

May video rin si Bea na ipinakita niya si Dominic na kuha sa ibang araw.

Continue reading below ↓

BEA AND DOMINIC'S HAPPY VACATION

Litaw ang kasiyahan ni Bea na nakayakap kay Dominic sa group photo na ibinahagi ng aktor noong Biyernes, July 23.

October 2020 nang unang inamin ni Bea na nagdi-date na siya higit isang taon mula nang maghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Continue reading below ↓

Natutunan daw niyang bigyan ang sarili ng pagkakataong maging masaya muli.

Nitong April 2021 naman nang kumpirmahin ni Bea na exclusively dating ang status nila ni Dominic.

Noong panahong iyon, nilinaw ni Bea na hindi pa raw sila magkasintahan dahil nais niyang makasiguro bago makipagrelasyon muli.

Pero naging mas bukas sila ni Dominic tungkol sa pagsinta nila sa isa't isa matapos ang pagdiriwang ng 31st birthday ng binata sa California.

Sa Agosto nakatakdang umuwi ng Pilipinas ang dalawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Looks like Bea Alonzo and Dominic Roque have taken their relationship to the next level as they have given each other a sweet term of endearment. Bea also shows cheek-to-cheek moment with Dominic on the dance floor (left).
PHOTO/S: @beaalonzo / @aamandavillanueva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results