Hidilyn Diaz’s mother on weightlifter's #Tokyo2020 triumph: “Sobra-sobrang kaba. Sobra ring masaya.”

by Arniel C. Serato
Jul 27, 2021
Emelita Diaz (right) is very proud of daughter Hidilyn Diaz's #Tokyo2020 feat: "Congratulations, Hids. Masayang-masaya kami kasi nakatikim ka ng gold medal para sa bansa natin.”
PHOTO/S: Courtesy: Gretchen Ho on Twitter / @hidilyndiaz on Instagram

Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ng mga kamag-anak ni Hidilyn Diaz nang sumabak ito sa weightlifting competition sa #Tokyo2020 Olympics kahapon, July 26.

Sa huli, lumikha ng kasaysayan si Hidilyn matapos niyang masungkit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas.

Ito ay matapos niyang talunin ang pambato ng China, ang world champion at record holder na si Liao Qiuyun.

Pahayag ng ina ni Hidilyn na si Emelita Diaz sa ABS-CBN News pagkatapos hiranging gold medalist ang anak, “Sobra-sobrang kaba. Sobra ring masaya na hindi ko maintindihan yung nararamdaman.”

Ayon pa kay Nanay Emelita, lagpas isang taon na silang hindi nagkikita ni Hidilyn dahil sa training ng anak sa Malaysia simula pa Marso 2020.

“Sobrang hirap din. More than one year na ang COVID at hindi pa kami nagkita. Sa video call lang.”

Nagbunga naman ang sakripisyo nilang malayo sa isa’t isa dahil nanalo si Hidilyn, at sa kauna-unahang pagkakataon, sa loob ng 97 taong pagsali ng bansa sa Olympics, naipatugtog na ang National Anthem ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Nanay Emelita, “Masayang-masaya kaming lahat kasi first time sa Zamboanga at Pilipinas na may makuha ng gold sa Olympics.

“Congratulations, Hids. Masayang-masaya kami kasi nakatikim ka ng gold medal para sa bansa natin.”

Limang taon na ang nakararaan, naalala pa ng in ni Hidilyn kung paano siya nagdasal at nagrosaryo habang lumalaban ang anak sa 2016 Rio Olympics, kung saan nakuha ni Hidilyn ang silver.

Noong 2012 London Olympics, hindi natapos ng atleta ang kanyang laban.

Sa 2008 Beijing Olympics naman, pangsampung puwesto lamang ang inabot ni Hidilyn.

Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, nakaabang kay Hidilyn ang mahigitP35-M cash prize, isang house and lot sa Tagaytay, at isang P14-M condominium unit sa Eastwood.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Emelita Diaz (right) is very proud of daughter Hidilyn Diaz's #Tokyo2020 feat: "Congratulations, Hids. Masayang-masaya kami kasi nakatikim ka ng gold medal para sa bansa natin.”
PHOTO/S: Courtesy: Gretchen Ho on Twitter / @hidilyndiaz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results