PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla clarifies statement that no man can resist temptation

Robin Padilla speaks up about loyalty and temptation.
by Bernie V. Franco
Published Jul 27, 2021
Mariel Rodriguez on relationship with husband Robin Padilla: “I’m a happy wife. Yun yata ang hindi masyado ma-gets ng iba. Alam mo ‘yon… na ako, I’m happy.”
PHOTO/S: @marielpadilla on Instagram / YouTube (Mariel Padilla)

Ginisa ni Mariel Rodriguez ang sariling asawang si Robin Padilla tungkol sa isyung temptasyon at katapatan sa isang relasyon.

Kaugnay ito ng pahayag ni Robin na walang lalaking nakakatanggi sa tukso.

Sinabi ito ni Robin sa July 7, 2021 vlog ni Ogie Diaz, kung saan kinumpirma ng aktor na hiwalay na ang anak niyang si Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur Abrenica.

Ayon kay Robin, naghiwalay sina Kylie at Ajur dahil sa third party.

Hindi raw pinagsabihan ni Robin si Aljur dahil guilty rin siya sa pambababae noon.

Sabi pa ni Robin sa interview: “Saka sa panahon ngayon, huwag tayong maglokohan, pare. Di ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

ROBIN TALKS ABOUT TEMPTATION AND LOYALTY

Ito ang naging topic ni Mariel sa kanyang YouTube video noong July 21, 2021.

Inilagay ng Kapamilya TV host si Robin sa hot seat.

Tinanong ni Mariel ang asawa tungkol sa pahayag nitong walang lalaking nakakatanggi sa tukso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng aktor, “Ako, e, nagsasalita sa aking experience. Experience 'yon nung ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan.”

Nangatuwiran din siya tungkol sa sariling pahayag na walang lalaki ang nakakahindi sa tukso.

Aniya, “Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it."

Ayon kay Robin, hindi naintindihan ng iba ang kanyang pahayag sa interview sa kanya ni Ogie.

“Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo yung interview.”

Minsan daw may netizens na ang basehan lang ng kanilang opinyon ay sa caption.

“Dun lang sa caption, binanatan na ‘ko nang sobra-sobra," hirit ni Robin.

“Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na ‘yon, di ba?

“Hindi porke’t sinabi na natukso ka, e, may ginawa ka na.

“Ang sama naman mag-isip ng mga ‘yon. Napaka… masyado ka nang forward.”

Naniniwala raw si Robin na kasama sa buhay ang tukso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROBIN ON LOYALTY IN A RELATIONSHIP

Tanong ni Mariel, iniwan na ba ni Robin ang nakaraan niyang nadadala sa tukso?

Sagot ni Robin, “Kasi, hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal.

“Ang pagiging loyal ay ginagawa, hindi yun sinasabi.

“Pagka masyado kang talkies, baka kulang sa walkies.”

Hindi raw dapat masyadong mataas ang tingin sa sarili.

Saad niya, “Huwag tayong masyadong defensive. Huwag tayong masyadong feeling guwapo.

“Kasi pag masyado tayong feeling guwapo na, ‘Di. Kaya ko yung mga temptasyon. Di. Kaya ko ‘yon,’ delikado ‘yon.'

"Kelangan lagi tayong humble lang.”

Tila kinontra ni Robin ang sinabi niyang ito sa sumunod niyang pahayag.

Aniya, “Mahirap maging masyadong humble. Pag mayabang, [sasabihin] saksakan nang yabang.

“Pag bumanat ka nang humble, masama kang tao.”

Sa isang bahagi ng interview, nagbitaw ng pahayag si Mariel tungkol sa halos labing-isang taong pagsasama nila ni Robin.

Sabi niya, “I’m a happy wife. Yun yata ang hindi masyado ma-gets ng iba. Alam mo ‘yon… na ako, I’m happy.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sina Robin at Mariel ay may dalawang anak na babae—sina Isabella, 4, at Gabriela, 1.

ROBIN SAYS INFIDELITY IS BOUND TO HAPPEN IN A RELATIONSHIP

Sa interview ni Ogie sa kanya, sinabi ni Robin na dapat ay maghiwalay nang maayos ang mag-asawang hindi na nagkakasundo.

Katuwiran ng aktor, “Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayong pareho. Bakit kayo kailangang mag-away?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Anong dahilan? Dahil nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari’t mangyayari ‘yan.

“Hindi ‘yan hindi puwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyayari, lalo na sa showbiz tayo.”

Ayon pa kay Robin, nagkaroon ng third party sa parte ni Aljur.

“Kaimposiblehan ba ‘yon? Hindi yun kaimposiblehan. Yun nga sinasabi ko kay Kylie, lalaki ‘yan.”

Sundot ni Ogie, nauunawaan ni Robin si Aljur?

“Natural. Sino’ng maiintindihan ko, e, lalaki ako?” katuwiran ni Robin.

Aminado si Robin na guilty rin siya sa pambababae noon.

“Ilang beses. Kaya lang hindi na uso yung mga martir ngayon. Tanggapin natin ‘yon. Wala na tayo don.

“Kasi ako, yun ang unang-una kong sinabi kay Kylie, e, nag-usap kami.

“Sabi ko, ‘Lalaki ang asawa mo. Pasalamat ka nga [mga] anak mo lalaki.

“Kaya lang di daw niya kaya. Okay.”

Sa kabila raw ng ginawa ni Aljur, hindi na kailangang mag-sorry nito sa kanya.

“Natatawa pa ako diyan," sambit ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka sa panahon ngayon, huwag tayong maglokohan, pare, di ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Rodriguez on relationship with husband Robin Padilla: “I’m a happy wife. Yun yata ang hindi masyado ma-gets ng iba. Alam mo ‘yon… na ako, I’m happy.”
PHOTO/S: @marielpadilla on Instagram / YouTube (Mariel Padilla)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results