Robin Padilla admits to not having the credibility to advise Aljur-Kylie on cheating issue

by Rachelle Siazon
Jul 12, 2021
Robin Padilla on breakup of daughter Kylie and Aljur Abrenica: "Kasi pagdating sa marriage, ano ba mai-advice ko? E, failure din kami ng mama niya. Ano bang credibility ko? Sabi ko nga, pag-Muslimin mo na lang si Aljur." Seen in the photo was the happier days of Aljur and Kylie when Aljur patched things up with Robin in February 2018.
PHOTO/S: @ajabrenica Instagram

Aminado si Robin Padilla na wala siya sa posisyon para pangaralan sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa hiwalayan ng mga ito.

Katuwiran niya, siya mismo ay separado sa asawa.

Si Kylie ay anak ni Robin sa dating asawa na si Liezl Sicangco.

Pahayag ni Robin: "Kasi pagdating sa marriage, ano ba mai-advice ko?

"E, failure din kami ng mama niya. Ano bang credibility ko? Sabi ko nga, 'Pag-Muslimin mo na lang si Aljur.'"

Inihayag ito ni Robin sa eksklusibong panayam ni Ogie Diaz sa YouTube vlog nito noong July 10.

ROBIN ON ALJUR CHEATING ON KYLIE

Unang isiniwalat ni Robin na nakipaghiwalay si Kylie kay Aljur dahil sa isyung third party.

Hindi binanggit ni Robin kung sino ang ibang babae ni Aljur.

Pero bukas si Robin sa pagsasabing hindi niya kinompronta si Aljur dahil siya mismo ay may history ng pambababae noon.

Natatawang hirit pa ni Robin kay Ogie, "Ano sasabihin ko kay Aljur? 'Gago ka! Ba't ka nambabae?' Sasabihin sa akin ni Aljur, 'Bakit kayo, Pa, hindi ba kayo nambabae?'"

Continue reading below ↓

Tahasan ding sinabi ni Robin na mapapalampas niya ang isyu ng pagtataksil dahil hindi raw ito maiiwasan sa isang relasyon.

"Nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari at mangyayari 'yan.

"Hindi 'yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari [ang third party issue] lalo at nasa showbiz tayo."

Dagdag pa niya, "Sa panahon ngayon, huwag tayo maglokohan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaking makakatanggi sa tukso."

Pero wala raw magawa si Robin dahil hindi kaya ni Kylie na ipagpatuloy ang relasyon nila ni Aljur.

ROBIN TELLS KYLIE TO GET BACK ON FIGHTING FORM

Ang tanging payo raw ni Robin kay Kylie ay magbalik-trabaho ito.

Saktong bumisita raw si Kylie sa bahay ni Robin noong bago magdiwang ng Father's Day noong June 20.

Lahad ni Robin, "Yun ang in-advice ko sa kanya, 'Mahirap yung ganyan ang sitwasyon ng puso mo tapos wala kang gagawin.

"'Dapat mag-ensayo ka, balik mo yung fighting...kasi 'yan ang nakalimutan mo.'"

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Sabi ko, 'Lumaban ka uli.' Fighter kasi 'yan, e. 'Balik mo yung dati mo.' Sabi niya, 'Oo, Pa.' Yun lang ang kaya ko [ipayo sa kanya]."

Pero kung siya ang masusunod, inamin ni Robin na pabor pa rin siyang magbalikan sina Kylie at Aljur kung iyon ang pipiliin ng mga ito.

"Dun pa rin ako sa pamilya siyempre," ani Robin.

Hangga't maaari ay mas mabuti pa rin daw kung lumaking buo ang pamilya para sa kapakanan ng mga anak.

"Kailangan naman yun. Pero sana wag tumagal. Kung magbabalikan sila, huwag nilang patagalin. Kailangan kaagad."

KYLIE AND ALJUR'S RELATIONSHIP

On-and-off relationship sina Kylie at Aljur noong unang naging sila, mula taong 2011 hanggang mid-2014.

Matagal na panahon din silang naghiwalay ng landas bago sila nagbalikan noong September 2016. Kinumpirma ito mismo nina Kylie at Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Makalipas ang halos apat na buwan, noong January 2017, inulat ng PEP.ph na ipinagbubuntis ni Kylie ang anak nila ni Aljur.

Continue reading below ↓

Noong buwang ding iyon inanunsiyo ng magkasintahan na sila ay engaged.

Noong umpisa ay hindi suportado ni Robin ang pagbabalikan nina Kylie at Aljur.

Pero lumipas ang higit isang taon, noong February 2018, nagkaharap sina Robin at Aljur sa isang family dinner at doon sila tuluyang nagkaayos.

Hanggang sa noong December 11, 2018 ikinasal sina Kylie at Aljur sa Villa Milagros Mansion and Gardens sa Rodriguez, Rizal.

Mayroong silang dalawang anak: sina Alas, 4, at Axl, 1.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla on breakup of daughter Kylie and Aljur Abrenica: "Kasi pagdating sa marriage, ano ba mai-advice ko? E, failure din kami ng mama niya. Ano bang credibility ko? Sabi ko nga, pag-Muslimin mo na lang si Aljur." Seen in the photo was the happier days of Aljur and Kylie when Aljur patched things up with Robin in February 2018.
PHOTO/S: @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results