"Let bygones be bygones."
Ito ang pahayag ni President Rodrigo Duterte nang makausap niya ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Kaugnay ito ng naungkat na kontrobersiya tungkol sa pagdawit kay Hidilyn sa "matrix" ng mga personalidad na diumano'y nagpaplanong patalsikin ang Pangulo sa puwesto noong 2019.
Mariing itinanggi iyon ni Hidilyn noong May 2019.
Nagkaharap ang Pangulo at si Hidilyn sa higit 11-minute Zoom call nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 28, ilang sandali pagkatapos makabalik ng bansa ng Olympic gold medalist mula sa Tokyo, Japan.
Suot ni Hidilyn ang kanyang uniform bilang airwoman sergeant sa Philippine Air Force.
Sumaludo siya sa Pangulo.
Pagkatpos nito ay ipinaabot ni Pangulong Duterte ang mensahe nito sa pagkamit ng Pinay weightlifter ng kauna-unahang gold medal ng Pilipinas mula sa Tokyo 2020 Olympics.
Pahayag ni Duterte: "The nation is ecstatic about your achievement. Your achievement is the achievement of the Philippine nation.
"We are extremely proud. We cannot express even in words how we should really be shouting hallelujah.
"Salamat sa pagtiis mo. I hope that the years of toil, the years of disappointment, and the years na hindi maganda ang nangyari in the past, just forget them."
Hindi tuwirang binanggit ng Pangulo ang isyu tungkol sa maling impormasyon ng gobyerno, na iniulat ni dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na bahagi si Hidilyn ng sinasabing "oust Duterte plot" noong 2019.
Pero malamang mensahe ng Pangulo: "You already have the gold.
"Gold is gold and it would be good for you to just let bygones be bygones and dwell solely on your victory together with your family and, of course, with the nation."
Tumangu-tango naman si Hidilyn.
PH3 MILLION PLEDGE FROM THE PRESIDENT
Sinabi rin ni Pangulong Duterte kay Hidilyn na alinsunod sa batas ay may matatanggap siyang premyong house and lot sa Zamboanga, halagang PH10 million, at presidential gold medal.
At tulad ng ibang negosyanteng nag-pledge ng cash prize kay Hidilyn, inanunsiyo ng Pangulo na magbibigay rin siya ng dagdag na pabuya mula sa sariling bulsa.
"In addition to what the law gives to you... three million galing sa akin," pangako ng Pangulo.
Dugtong nito, "Hindi naman malaki, hindi naman maliit. This will go a long way to help your family.
"Alam mo, the struggle of life is a long, long process. Maging political ano mo na ito... You are already a celebrity. Baka makatulong ka sa country other than being a soldier."
Payo pa ng Pangulo kay Hidilyn, "Ayusin mo mabuti buhay mo. You've been blessed by God."
"Yes po," sagot ni Hidilyn.
Dagdag ng Pangulo, "Maybe one of these days, if you have the time, communicate with us para maibigay ko sa iyon yung aking PHP3 million.
"Yung PHP10 million, kunin mo siguro sa Treasury 'yan. I dont know how the process [will be]."
Simpleng tugon ni Hidilyn, "Thank you so much, President. Thank you po."
PRESIDENT DUTERTE GIVES HIDILYN A SALUTE
May puntong tiningnan ng Pangulo ang kanyang kodigo ng team sa likod ng tagumpay ni Hidilyn.
Nang mabasa niya ang pangalan ni Julius Naranjo, "Boyfriend mo ito siya? I'm sorry but nakalagay dito."
Maya-maya pa ay iginiit ni Pangulong Duterte na kahanga-hanga ang dinalang parangal ni Hidilyn para sa bansa.
"But over and above this monetary consideration, it's always the honor that you've brought to the country that's what counts most.
"So, mabuhay ka, at ako naman ang magsaludo sa 'yo."
Sabay tayo ng Pangulo, sumaludo, at sinabing, "Yes, Ma'am."
