Nag-uumapaw ang papremyo at grasyang bumuhos para sa kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz.
Si Hidilyn ay nanalo ng gold sa weightlifting competition sa #Tokyo2020 Olympics nitong nakaraang Lunes, July 26.
Dahil sa kanyang tagumpay, nasa lagpas P43 million na ang premyo at mga pabuyang cash na matatanggap ni Hidilyn.
Kabilang na rito ang P10M mula sa gobyerno, P10M mula sa San Miguel Corporation, P10M mula sa MVP Sports Foundation, P5M mula sa Siklab Atleta Sports Foundation, P3M mula kay Deputy Speaker Mikee Romero, P2.5M mula sa Zamboanga City Government, at P3M mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod sa cash incentives, makakatanggap din si Hidilyn ng house and lot sa Tagaytay, dalawang condominium units, brand new 13-seater van, lifetime free flights mula sa Air Asia at Philippine Airlines, lifetime free gas mula sa Phoenix Petroleum, at promotion ng ranggo sa Philippine Air Force.
Sa panayam ng TV5 sports anchor na si Gretchen Ho kay Hidilyn kahapon, July 28, naitanong sa Pinoy Olympian kung ano ang gagawin niya sa mga papremyong matatanggap.
“Sa totoo lang, wala pa akong plano. Siyempre magbibigay ako ng tithes," pagtukoy ng devout Catholic sa porsiyento ng kanyang premyo na ipamamahagi niya sa mapipiling organisasyon o charity institution.
Patuloy ni Hidilyn, “Then after that, I’m not sure.
"Alam ko, magsi-save ako for our future, my future, and of course giving back to the community… weightlifting.”
TEAM HIDILYN DIAZ (HD)
Dahil sa pagkatalo niya noon sa Asian Championships bago ang #Tokyo2020 Olympics, alam ni Hidilyn ang importansiya ng pagkakaroon ng kumpletong team sa kanyang pagsasanay.
Kabilang sa Team Hidilyn (HD) sina Coach Jeaneth Aro (nutritionist), Dr. Karen Trinidad (sports psychologist), Kaiwen Gao (weightlifting coach), at ang kanyang nobyong si Julius Naranjo (strength and conditioning coach).
Paliwanag ng Olympic gold medalist, “Importante silang lahat kasi nga ang tatlo ay nagwu-work together—si Coach Gao, si Coach Julius, and Ma’am Jeaneth Aro.
“Kasi I have to do my best in training but I need also to, like yung performance ko, to do my best, kailangan ma-refuel agad.
“So with the help of Coach Julius, lahat sila nagko-coordinate before lunch, sa training pa lang yun.
“Then, yung kung physically okay ako. Pero pag mentally hindi okay, so kailangan mentally prepared din ako. So, dun pumapasok si Doc Karen.
“Talagang before this, ang dami kong doubt, ‘Doc, natatakot na ako, kinakabahan na ako,’ ganun.”
Sabi raw ni Doc Karen sa kanya, “No, Hids, you’re prepared, you can, you will.”
Dagdag pa ni Hidilyn, “Then, may pinapabasa siya sa akin, yung belief, ‘Kung maniwala ka, kaya mo.’
“Tapos ang dami, e, ang dami niyang wisdom na ibinibigay sa akin.
“So sabi ko, ‘Oo nga ano, all this time, God is with me. God is with our team HD. God is with this journey. I know today He won’t leave us, He will with be with us.'"
LESSONS FROM FOUR OLYMPICS
Apat na Olympics na ang nasasalihan ni Hidilyn.
Una, sa Beijing 2008 kung saan pangsampung puwesto lamang ang inabot niya.
Sinundan ito ng London 2012, pero hindi natapos ng atleta ang kanyang laban.
Sa Rio 2016 naman, silver medal ang nakuha ni Hidilyn.
At sa Tokyo 2020, gumawa siya ng kasaysayan nang nasungkit niya ang unang gintong medalya para sa Plipinas.
Ano ang mga nabago niya sa loob ng apat na beses na pagsali sa Olympics?
Saad ni Hidilyn, “Siguro ang nagbago sa akin, nung 2016, although may mga tao na behind me, konting tao. This time, I have people behind me.
“Then, there are the private sponsors helping me. Then later on, tumulong na ang government.
“Then, siguro na-realize ko lang din na after Olympics, hindi ko pala kayang mag-isa.
“Kasi siyempre tumatanda na ako, 30 years old. Nararamdaman ko na yung sakit then yung ranking ko 9 over 9. Parang sabi ko, ‘Parang ano na ‘to...’
“Pero the good thing, na-sustain and maintain ko.
"And siguro nagbago sa akin, my team, my team behind me.
"And yung belief kay God, mas naniwala ako kay God, mas naniwala ako sa sarili ko, and mas thankful ako.”
Bumalik na sa Pilipinas si Hidilyn kagabi, July 28.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
