Ivana Alawi responds to bashers calling her "pangit, puro retoke, bold star"

by Rachelle Siazon
Jul 30, 2021
Ivana Alawi on bashers criticizing her looks: "Tingin mo pangit ako pag walang makeup? Lagi naman ako nagba-vlog na walang makeup because I love myself."
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram

"Pangit, puro retoke, at bold star."

Ilan lamang ito sa panunuya ng bashers kay Ivana Alawi sa social media.

Isa sa mean comments kay Ivana ay iniwan sa Instagram feed ng bata niyang kapatid na si Mona Louise Rey.

Sabi ng basher, "Puro retoke ate [Ivana] mo. Pangit niya. Dati nakita ko sya sa ABS, pango, flat, sira ngipin. Basta pangit. Puro pagawa naman siya ngayon."

Nagulat si Ivana na tinawag siyang "puro retoke," dahil hindi naman daw siya nagparetoke ng ilong.

"Pango pa rin ako. Hindi ako natatangusan talaga sa ilong ko, ha," saad ng actress-influencer.

Kahapon, July 29, nilabas ni Ivana ang vlog niya kasama si Mona.

Para patunayang hindi niretoke ang kanyang ilong, inutusan ni Ivana si Mona na pindutin ito.

Mahinhin ang pagpindot ni Mona, kaya si Ivana na mismo ang pumipi sa kanyang ilong.

Tukoy ni Ivana sa nambatikos sa kanya: "Eto na ba? Masaya ka na? Hindi naman ako magpaparetoke, masaya na ako sa ilong ko."

Continue reading below ↓

Nagtaka rin siya sa nagsasabing nakita siyang sira ang ngipin sa personal.

Ani Ivana, "Sira ipin ko? Nagtu-toothbrush ako twice a day tsaka nagpapadentista."

Pinakita ni Ivana ang maputi at pantay niyang mga ngipin sabay tukoy sa basher, "Mainggit ka."

"PANGIT PAG WALANG MAKEUP"

May iba pang nagsabing nadadala lang daw si Ivana ng magandang makeup nito.

Sabi ng dalaga, "Tingin mo pangit ako pag walang makeup? Lagi naman ako nagba-vlog na walang makeup because I love myself."

Cheek tint lang daw ang inilalagay niyang kolerete sa mukha.

"Kung ito pangit sa 'yo, okay. Wala akong paki talaga," kibit-balikat na sabi ni Ivana.

Dagdag niya, "Hindi ko sinabi na maganda ako. Clinaim ko ba na maganda ako?"

"MAGHUBAD KA NA LANG."

Natawa naman si Ivana sa netizens na sinasabihan siyang "bold star" dahil sa kanyang sexy bikini photos sa Instagram.

Sabi raw kay Ivana, "Maghubad ka na lang. Nagdamit ka pa. Bold star."

Continue reading below ↓

Ayon kay Ivana, kung tutuusin ay di raw siya matatawag na bold star.

"Nagpapakita lang ako ng puwet tsaka ng bra. Naka-panty at bra ako. Hindi ako naghuhubad ng panty at bra."

Wala raw nakikitang masama si Ivana sa pagsusuot niya ng bikini.

"Masaya lang ako magbikini. Iba yung naghubad ka talaga, or nag-bold ka, or nagpakita ng tsuk. Yun ang bold star sa akin.

"Kung ang pagsu-swimsuit ko ay bold star, e, di bold star sa iyo."

MESSAGE TO BASHERS

Hindi raw nasasaktan si Ivana sa batikos na ibinabato sa kanya.

"Feeling ko mga bitter sila sa buhay. Siguro pag na-comment nila yun, gumaganda pakiramdam nila. So, do what you do," ani Ivana.

Pero mas mabuti pa rin daw na huwag maging nega.

"Let's uplift each other. Wala kami hatred sa katawan," pagtatapos niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi on bashers criticizing her looks: "Tingin mo pangit ako pag walang makeup? Lagi naman ako nagba-vlog na walang makeup because I love myself."
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results