PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daryl Ong finally proposes to longtime girlfriend Dea Formilleza

Dea: "I can’t wait to spend forever with you. You are my dream come true."
by Arniel C. Serato
Published Aug 2, 2021
Singer Daryl Ong on his marriage proposal to longtime girlfriend Dea Formilleza: "Ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinakamatalik na kaibigan."
PHOTO/S: Courtesy: @imdarylong on Instagram

Engaged na ang singer na si Daryl Ong sa kanyang longtime girlfriend—ang singer at dating Kapuso artist na si Dea Formilleza.

Kahapon, August 1, ibinahagi ni Daryl sa kanyang Instagram ang ilang larawan ng dating birong proposal at sa aktuwal na proposal niya kay Dea.

Sabi niya sa caption: “5 yrs. in the making, kung kasama pagiging mag kaibigan almost 10 yrs.

“Di ko na i-k-kwento or ipapaliwanag pa ng pagkahaba haba kung bakit ko siya niyaya magpakasal, ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinaka matalik na kaibigan.

“At sobra akong pinagpala na kami ang nagka-tuluyan at magiging magkasama hanggang sa huli.

“Swipe left para sa legit na pag luhod. Lol. Panuorin niyo na rin sa youtube channel ko kung pano siya nabulaga ng malala. I love you @deaformilleza!”

View this post on Instagram

A post shared by Daryl Ong (@imdarylong)

“I CAN’T WAIT TO SPEND FOREVER WITH YOU”

Ayon naman kay Dea, isang linggo na ang nakalilipas mula nang "officially" mag-propose" sa kanya si Daryl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagdasal daw ni Dea na yayain na siyang magpakasal ng boyfriend.

Saad niya sa kanyang Instagram post, “It’s been a week since we got 'officially' engaged.

“I still get very excited pag naiisip ko na I’m finally marrying the love of my life. Prayed so hard for this! [pleading face, praying hands emojis]”

Mensahe pa niya kay Daryl, “Thank you, my love, for making me the happiest.

“I can’t wait to spend forever with you. You are my dream come true. [heart emoji]

#Engaged #DeaRyl #DaDeyForOng

View this post on Instagram

A post shared by Dea ???? ? (@deaformilleza)

"MAY GUSTO PA SIYANG PATUNAYAN"

Sa panayam kay Daryl noong March 2020, sinabi nitong wala pa silang planong magpakasal ni Dea kahit apat na taon na ang kanilang relasyon noon.

Saad niya, “Kasal? Hindi pa. Work muna.

“At saka siya rin kasi, gusto pa niya… actually, gusto niyang mag-flight attendant.

“Kaya lang, nagkaroon ng coronavirus. Ang daming hindi makapag-travel.

“Pero siya, gusto pa niyang ano... actually, naka-sign din siya kina Ate Kate [Valenzuela] sa Kreativeden.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tsaka alam ko parang mag-aartista siya ulit. Pero, let’s see.”

Dagdag pa niya, “Siguro, two years from now? Oo, two years.

“Pero depende kapag na-busy na rin siya sa work.

“Uh, ano, siguro depende po. Siguro mga… two years from now?

“Kasi, magti-thirty-three na ako etong March.

“E, siya naman, bata pa siya, 26 siya.

“Tsaka ako naman, ready, gusto ko na. Ready na ako.

“Pero siya, may gusto pa siyang patunayan sa sarili niya.

“Magkaroon ng talagang… ma-experience niya na magkaroon din siya ng stable na career.

“Kasi ano rin, e, somehow, hindi naman totally breadwinner.

“Pero nag-a-assist din siya sa family niya sa probinsiya.

“Taga-Compostela Valley ang province nila. Nandoon ang parents niya.”

Pero makalipas ang isang taon ay nagdesisyon na ang dalawa na lumagay na sa tahimik.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Daryl Ong on his marriage proposal to longtime girlfriend Dea Formilleza: "Ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinakamatalik na kaibigan."
PHOTO/S: Courtesy: @imdarylong on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results