Ipinagtataka ni Cassy Legaspi, 20, kung bakit may mga taong nanggu-ghost sa kanilang partner.
Bakit hindi na lamang daw ito magsabi ng totoo saka tumalikod at lumayo sa karelasyon.
Hindi rin pabor si Cassy na bigla na lang maglahong parang bula ang partner ng isang taong hindi man lang nagpapaalam.
“Sa mga boys who ghost sa mga girls, or vice versa—anyone who ghosts—bakit?
"Sabihin niyo lang na 'I'm sorry, I'm not interested.'
"Ganun-ganon ka lang, ‘tas exit! Why do you have to exit na with no explanation?
"Ang sakit nun,” pahayag ni Cassy sa isang virtual presscon, at naiulat sa GMA News Online ngayong araw, August 4.
Naitanong ito kay Cassy dahil papasok na ang Ghost Month, na magsisimula sa August 8 hanggang September 6.
Marami ang naniniwalang malas ang period ng Ghost Month.
Pero ang isa raw klaseng “ghost” na ikinababahala ni Cassy ay ang ghosting.
Ang ghosting ay ang biglaang pangdi-deadma ng kapartner sa kanyang karelasyon, hindi pagsagot sa mga text or private messages, at maging sa pagtawag sa telepono.
Hindi pa naman daw ito nararanasan ni Cassy pero baka hindi raw niya kayang i-handle pag may lalaking mang-ghost sa kanya.
Saad niya, “I've never experienced it. Buti na lang kasi, oh my gosh—I would not know how to handle ghosting. Why?
"Yun lang tanong ko sa mga ghosters diyan: 'Bakit?' Don't do that na."
Nauugnay ngayon si Cassy, na isang Kapuso, sa Kapamilya singer na si Darren Espanto.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
