Bea Alonzo shows more sweet photos with "Hon" Dominic Roque; celebs react

by Rachelle Siazon
Aug 4, 2021
Bea Alonzo is still over the moon after her unforgettable trip to Los Angeles with boyfriend Dominic Roque. Some of their romantic adventures included a date at a winery in Napa Valley (left) and a three-day hiking experience at Yosemite National Park (right)
PHOTO/S: CTTO / @beaalonzo Instagram

Nakabalik na sa Manila si Bea Alonzo, pero nasa cloud nine pa rin siya matapos ang bakasyon nila ni Dominic Roque sa Los Angeles.

Ngayong Miyerkules, Agosto 4, ibinahagi ni Bea ang ilang litratong kuha sa camping experience nila ni Dominic sa Yosemite National Park.

Isa rito ay magkahawak-kamay sila ni Dominic habang tanaw nila ang majestic glacier point sa Yosemite.

Kasama rin sa post niya ang isang solo picture ni Dominic.

Continue reading below ↓

Halatang kinilig si Dominic na nagkomento ng hearts at hugging emojis sa post ni Bea.

Una nang naiulat na nai-record ang boses ni Bea na tinawag na "Hon" si Dominic habang ang kaibigan nila ay kumukuha ng video ng glacier point.

Naiwan kasi ni Dominic na nakabukas nang matagal ang kanyang camera, kaya tinawag ni Bea ang boyfriend.

Continue reading below ↓

Ani Bea, "Hon, nagre-record ito kanina pa."

Mauulinigan din ang boses ni Dominic na sumagot kay Bea.

BEA and dominic'S Hugging photo

Halatang masaya si Bea sa piling ni Dominic. Noong August 1 ay ibinahagi ng aktres ang litrato kung saan mahigpit ang yakap niya sa binata.

Kuha naman iyon sa tabi ng airstream na tinuluyan nila habang naroon sa Yosemite.

Caption ni Bea gamit ang quote ng naturalist na si John Miur, "And into the forest I go, to lose my mind and find my soul."


Continue reading below ↓

Napakomento ng heart emoji ang kaibigan ni Bea na si Angel Locsin, na saksi sa heartbreak noon ni Bea.

Naglagay rin ng heart emoji si Ryan Agoncillo, na malapit naman kay Dominic.


Sabi naman ni China Cojuangco, "Cute cute niyo BeyBey!!!"


Continue reading below ↓

Sa latest IG photos ni Bea, nag-react uli si Angel pati na si Rica Peralejo.



Continue reading below ↓

MORE HAPPY MEMORIES IN L.A.

Sa mga caption ng latest IG posts ni Bea, inihayag nitong talagang nag-enjoy siya sa kanyang U.S. vacation, lalo na sa una niyang karanasan na mag-camping.

Tatlong araw raw silang nasa Yosemite, at nang minsang mag-hiking sila ay na-enjoy niya ang paliligo sa batis kahit wala siyang dalang pamalit na damit.

Ani Bea, "So, I did! And the water was freezing, but it was so refreshing! Sometimes, it’s nice not to overthink and just live in the moment."

Nakapag-date din sina Bea at Dominic sa Robert Mondavi winery na isang kilalang vineyard sa Napa Valley.


Continue reading below ↓

Noong araw na magpunta sila roon ay may nasaksihan silang proposal, at tuwang-tuwa si Bea nang mag-volunteer si Dominic na kunan ng litrato ang newly engaged couple.

Sa bakasyon nilang iyon sa U.S. naging mas bukas si Bea sa espesyal na ugnayan nila ni Dominic.

READY TO WORK IN GMA-7

May naisip na raw si Bea na next travel destination, pero sa ngayon ay balik-trabaho muna siya.

Continue reading below ↓

Bago nagtungo ng U.S. ay winelcome si Bea bilang bagong Kapuso.

Nakatakdang sumalang sa guest appearances si Bea para sa Kapuso shows tulad ng All-Out Sundays, Mars Pa More, at Unang Hirit.

Hindi malinaw kung mauuna niyang gawin ang teleserye o pelikula, pero isa sa mga proyekto niya ay ang movie teamup nila ni Alden Richards na A Moment To Remember.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo is still over the moon after her unforgettable trip to Los Angeles with boyfriend Dominic Roque. Some of their romantic adventures included a date at a winery in Napa Valley (left) and a three-day hiking experience at Yosemite National Park (right)
PHOTO/S: CTTO / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results