Nagsalita na si Ellen Adarna, 33, tungkol sa alegasyong nag-walkout umano siya sa last taping day ng kinabibilangang sitcom sa TV5, ang John en Ellen.
Ang John en Ellen ay ang TV5 sitcom na pinagbibidahan nina Ellen at John Estrada. Nagsimulang umere ang Season 1 nito noong April 10, 2021, at umere ang last episode ng Season 2 noong Linggo, August 1.
Paninindigan ng aktres, ipinaglaban lang niya ang kanyang karapatan. Hindi rin daw siya ang bumali sa napagkasunduan sa ginawang taping.
JOHN, DEREK, ELLEN’S MANAGEMENT VS. LONG MEJIA
Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong August 3, Martes, isang source na konektado sa production team ng sitcom ang nagsabing totoong nag-walkout umano si Ellen sa huling araw ng taping.
Ginanap ang last taping day ng John en Ellen season finale sa Laiya, Batangas noong Hunyo 25, 2021.
Itinanggi nina John at Derek Ramsay ang akusasyon nang makausap ng PEP Troika ang dalawa.
Si John ang leading man ni Ellen at isa rin sa line producer ng sitcom.
Pagtatanggol ni John, pack-up na raw talaga si Ellen. Kinumpirma rin ni John na hindi na kasali si Ellen sa Season 3 ng show.
Ang sabi naman ng fiancé ni Ellen na si Derek, totoong naroon siya sa lock-in taping ni Ellen noong last taping day nito.
Ang pagkakaalam daw ni Derek ay cut-off na talaga noon ni Ellen kaya maaari na itong umalis ng set.
Sina John at Derek ay matalik na magkaibigan.
Itinanggi rin ng manager ni Ellen na si Danel Calixto na may katotohanan ang akusasyon laban sa aktres.
Pero iba ang pahayag ni Long Mejia na kasama rin sa sitcom. Nag-walkout nga raw ang aktres.
Sa exclusive interview ni Long sa PEP.ph, mabibigat ang pahayag niya laban kay Ellen.
Hindi raw nagpaalam nang maayos ang aktres sa ibang cast members at production team.
Sa isyung ito, laging sinisikap ng PEP.ph na kunin ang panig ng mga taong sangkot.
ELLEN BREAKS HER SILENCE
At ngayong Huwebes, August 5, binasag ni Ellen ang kanyang katahimikan.
Si Ellen mismo ang naglabas ng panig niya hinggil sa isyu.
Isang netizen ang nag-usisa sa aktres kung totoong tinanggal siya sa isang comedy show. Malinaw na ang tinutukoy ng netizen ay ang John en Ellen.
Iniwan ng netizen ang komento niya sa Instagram account ni Ellen kagabi, August 4.
Inakusahan naman si Ellen ng iba pang netizens na wala umano siyang kunsiderasyon sa production staff sa ginawa niya umanong pagwo-walkout.

Ngayong umaga ng Huwebes, diretsahang sinabi ni Ellen na walang katotohanan ang alegasyong siya ay naging unprofessional sa kanyang trabaho.
Katuwiran niya, may mga “LAW” at “protocols” na kailangang sundin sa taping lalo’t may pandemya pa.
Ipinaglalaban lang daw niya ang kanyang mga karapatan at hindi raw siya ang may ginawang paglabag sa protocol.
“There is what u call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented,” diin ni Ellen.
Dugtong niya, “I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you)
“Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical.”
Paninindigan pa ni Ellen, may napagkasunduang cut-off na ibinigay sa kanya pero hindi ito nasunod.
May parunggit pa si Ellen na mukhang may hindi nasabihan tungkol sa ibinigay na cut-off sa aktres.
Pahayag niya (published as is): “I was promised a cutoff and even i extended it for another hour para walang masabi (i have receipts to prove this too)
“i guess someone wasnt informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo
“i think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep.
“Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1.”

Noong June 16-30, 2021, ipinatupad ang general community quarantine sa NCR at sa iba pang lugar kabilang na ang Batangas, kung saan ginawa ang taping ng John en Ellen.
At this writing, anim na oras nang naka-post ang komento ni Ellen at hindi pa rin niya ito binubura.
Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga taong sangkot sa isyu.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
