Sina Julia Montes at Michelle Vito ang dalawa sa bridesmaids ni Trina “Hopia” Legaspi, 27, sa nalalapit nitong pagpapakasal.
Bukod kina Julia at Michelle, kasama rin bilang bridesmaid ang dating Luv U star na si Angeli Gonzales.
Sa huling quarter ng taong 2021 ikakasal si Trina sa non-showbiz boyfriend nitong si Ryan Jarina.
Saad ni Trina sa kanyang post sa Instagram kagabi, August 6, “My Bridesmaids.
“Thank you for the fun memories and for being my bridesmaids @kayeangelii, @michellevito & @montesjulia08!”
View this post on Instagram
Makikita sa IG TV ni Trina ang mga pa-throwback photo nito sa tatlo.

November, 22, 2020 na-engage si Trina kay Ryan.
Lagpas anim na taon na ngayon ang kanilang relasyon.
Sa marriage proposal pa lang, hindi ikinaila ni Trina na mahal na mahal niya ang non-showbiz boyfriend
Sabi niya sa kanyang post, “I can’t say 'I DO' without you!
“#DiHopiasiRyan #KatRyanKoyIkaw #HopiaLikeIt
“11/22/20 6 years together and forever!! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES!
“I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! Yey!!
“Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha!
“I’ll share with you guys our proposal story soon. Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!! @ryan_jarina
“Thank you Lord for giving me my destined partner. It’s worth the wait talaga! I love you fiance!! Yes, fianceeee na.”
View this post on Instagram
Nakilala si Trina noon bilang si “Hopia” sa defunct Sunday comedy show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.
