Nanatiling magkaibigan sim Arci Muñoz at Ellen Adarna kahit bihira silang magkasama at mag-usap.
Ang huling communication raw nila ay mga three months ago.
"I did congratulate her nung na-engage sila ni Derek."
Masaya raw siya na engaged na sina Ellen at Derek Ramsay, na naging leading man ni Arci si Derek sa 2013 TV5 series na Undercover.
Dagdag na pahayag ni Arci nung nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) over lunch nitong July 28, 2021 sa Shanghai Saloon sa The Podium sa Ortigas, "Siyempre I'm happy for the both of them.
"I've worked with Derek also, and we were close during that time na nagkasama kami dati sa show, and with Ellen also, of course, I'm really happy for the both of them."
Biro ng writer na ito sa dalaga: Nainggit ba siya malapit nang ikasal ang kanyang kaibigan?
"No, no, no, no. Wala akong inggit kasi magkaiba naman kaming tao, and we do have our own happiness, and my happiness right now is serving my purpose sa bayan.
"And I believe there's a really good timing for everything, it's just not my time yet to settle down.
"Sabi ni Lord, kailangan ko pa daw muna na i-serve yung purpose ko sa ngayon. Dadating naman at dadating iyan, I believe that, I believe that.
"Pero now is not the right time."
Ang tinutukoy na purpose ni Arci ay ang pagiging volunteer instructor niya bilang isang reservist sa Philippine Air Force.
Ano ang mensahe niya sa mga bashers nina Ellen at Derek?
"Inggit lang yung mga yun," at natawa si Arci.
"Wala naman akong nakikitang mali. Bakit hindi na lang tayo maging masaya, na maging maligaya?
"Iyon ang problema kasi sa mga tao, e, hindi sila nagiging happy sa happiness ng iba. Let's just support each other, di ba?"
Marami raw puwedeng pagkaabalahan bukod sa pagiging tutok sa social media at pamba-bash.
Ang sabi pa ng 32-year-old actress, "Itong mga ganitong bagay, parang, malaking bagay siya to achieve peace, world peace. My goodness!
"Maging busy na lang sila sa mas magagandang bagay."
Si John Lloyd Cruz ba na ex-boyfriend ni Ellen ay naging ka-close rin niya?
Sagot ng dalaga, "We were never that close, but I see him sa mga events, and we did work together. "
Kasama si Arci sa pelikulang A Second Chance noong 2016 na pinagbidahan nina John Lloyd at Bea Alonzo.
