Six months na nag-training si Arci Muñoz para maging isang Philippine Air Force reservist.
Kuwento ni Arci sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ako, nag-train ako actually during the pandemic so nag-start ako ng mga, of course, the marksmanship training, lahat ng puwede kong gawin muna sa Manila.
"Usually it takes talaga the training kapag mga reservist, a few months, siguro mga one to two, mine took six. So it took me six months to finish and to graduate as a sergeant."
Maraming kasamahan si Arci sa showbiz na reservist din. Nariyan sina JM Guzman, Rocco Nacino, Winwyn Marquez, Ronnie Liang, to name a few.
Ano ang masasabi ni Arci sa social-media bashing na natatanggap nilang mga celebrity reservists? lang Ilang netizens kasi ang nagsasabi ng, "Walang ginagawa ang reservist" para makapaglingkod sa bayan.
Sagot ni Arci, "People have different opinions about this, and for me, ito lang sa akin, yung nakikita niyo, ito na yun.
"So ginagawa ko lang kung ano yung iniatas sa akin na responsibilidad bilang isang Air Force Reservist, wala akong masasabi sa ngayon sa mga...
"I think we are all doing our part. Siguro hindi lang sila masyadong nag-o-open up about it..."
Bilang artista, alam niya na may magagawa siya para mahikayat ang iba na maging reservist din.
Aniya, "Alam niyo, yun pa lang bilang isang influencer, kasi that's what we call ourselves somehow, we influence people, yun pa lang pagsali nila bilang isang reservist, undergoing that training, malaking bagay na yun, malaking tulong na rin yun.
"Para ma-influence yung mga tao also because it is also my advocacy, and I really want this to be mandatory."
Yung training ay hindi raw kasing-intense ng sa sundalo, pero it a "humbling" experience for her.
Sa pagpapatuloy niya, "Gusto ko talaga na, iba kasi, we cannot compare kung ano yung training na pinagdaanan namin kumpara sa ating mga sundalo.
"I really cannot compare, but proud ako sa kung anuman itong na-achieve ko. Somehow I got a taste of what they have to go through, and it's just really humbling.
"And I want to share that experience sa mga kabataan natin ngayon.
"And I'm proud to say, ha, whenever andun kami sa bundok, and we are volunteer instructors, nakikita ko puro kabataan and they tell me, 'Ma'am, alam niyo ba...' ang daming kababaihan, which is also part of what I wanna achieve kaya ako nag-training bilang isang reservist sa Air Force."
Sa ngayon, kahit na may mga nakalinya siyang proyekto bilang artista, focus raw muna ang 32-year-old star sa pagiging Air Force reservist.
"Alam niyo naman na marami akong ginagawa sa buhay ko, and feeling ko nga expert na ako sa pagdya-juggle talaga ng schedule ko.
"So ngayon isa-isa lang muna, sa ngayon ito na lang muna, responsibilidad ko sa Air Force and sa bayan."
Bukod rito ay active rin si Arci sa Bespren ng Bayan Foundation kasama ang kanyang kaibigang si Renan Ponce Pascual-Morales, na chairman ng nasabing foundation.
Adbokasiya nilang hikayatin ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19. Tumutulong rin ang Bespren Ng Bayan Foundation sa mga rape victims, mga may substance disorder, alcoholic, Internet addicts, drug addicts, at mga taong may mental health problems o mga mentally challenged individuals.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Arci at Renan over lunch nitong July 28, 2021 sa Shanghai Saloon sa The Podium sa Ortigas.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
