Umaasa si Priscilla Meirelles na magagawa pa ring ayusin nina John Estrada at Derek Ramsay ang kanilang pagkakaibigan.
Bilang misis ni John, saksi si Priscilla sa pagiging malapit ng asawa at ni Derek sa loob ng maraming taon.
Naniniwala si Priscilla na “genuine” ang pagkakaibigan nina John at Derek, at darating din ang araw na mapaplantsa nila ang gusot ng kanilang pagkakaibigan.
Ito ang reaksiyon ng Miss Earth 2004 kasunod ng deklarasyon ni Derek na tinatapos na niya ang pagkakaibigan nila ni John.
“I believe John and Derek have a genuine friendship,” mensahe ni Priscilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon ng Martes, August 10.
“They will sort things out eventually. And they are better men than what is going around them.”
Kaugnay ito ng isyung pagwu-walkout umano ni Ellen Adarna, fiancée ni Derek, sa TV5 sitcom na John en Ellen sa last taping day noong June 25, 2021.
Magkatambal sina John at Ellen sa sitcom kung saan gumanap sila bilang mag-asawa.
Dahil sa paglaki ng isyu, nadawit din ang pangalan ni Derek dahil matalik niyang kaibigan si John.
Pero sa interview ni Derek kay Ogie Diaz kagabi, August 9, tahasang sinabi ni Derek na pinuputol na niya ang pagkakaibigan nila ni John.
“Definitely out the door,” ani Derek tungkol sa friendship nila ni John.
Sundot na tanong kay Derek, hindi na ba maibabalik ang closeness nila ni John?
“No, I don’t think so. No, no, no. I don’t think so,” giit ni Derek.
Patuloy niya, “I don’t wish any ill feelings towards John and his family. Naging malapit ako kay Priscilla.
“It’s just... I think for the good of everybody, I don’t want bad energy. I’m not saying John is a bad person or a bad energy, ah.
“It just went too far and for me, I just want to avoid any negativity.”
Tumanggi si Priscilla na dagdagan pa ang kanyang maiksing pahayag.
Nakipag-ugnayan din ang PEP.ph kay John, pero tikom ang bibig nito ukol sa mga binitiwang salita ni Derek.
THE POST ABOUT COCKROACH
Samantala, naintriga naman ang netizens dahil sa kabila ng deklarasyon ni Derek na tinatapos na niya ang friendship nila ni John, nagkapalitan sila ng comments sa post ng TV sitcom director na si Willy Cuevas.
Pero tila may mga pahaging ang mga ginawa nilang komento.
Ibinahagi ni Willy ang ganitong quote card: “I’M WRITING A SONG AND I WILL CALL IT ‘COCKROACH JUICE’.”
Komento ni John (published as is): “Hanep sa kanta yan kumbrader [laughing emojis] parang alam ko kung kanino mo ibibigay yan …. [laughing emoji]”
Sumunod na nagkomento si Derek na naka-tag pa si John. Ani Derek, willing siyang mag-cameo nang libre para kay John.
Di na sumagot si John, pero may hirit naman si Willy.
Sabi nito kay Derek: “@ramsayderek07 pwede ba? okay lang basta wlang [cut] off. Hehehe.”
Sa kabilang banda, saksi ang netizens sa pagiging matatakutin ni Derek sa ipis.
Ilang beses na nag-post ng mga video si Ellen na nagpapakita kung gaano katakot si Derek sa ipis.
