Wala raw magagawa si John Estrada, 48, sa desisyon ni Derek Ramsay, 44, na tuldukan ang kanilang pagkakaibigan.
Nang pumutok ang balita sangkot ang fiancée ni Derek na si Ellen Adarna at produksiyon ng John en Ellen, naiulat ng PEP Troika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pati ang pagkakaibigan nina Derek at John ay tila nagkalamat dahil sa kontrobersiya.
Sina John at Ellen ay co-stars ng TV5 sitcom na John en Ellen. Si Derek ay matalik na kaibigan ni John at fiancé ni Ellen.
Sa ulat ni Ogie Diaz noong August 9, on record ay inamin ni Derek na may mga pangyayaring nagtulak sa kanya para layuan ang kaibigang si John.
"Icing on the cake" lang daw ang isyu kaugnay ng cut-off ni Ellen sa last taping day ng John en Ellen noong June 25.
Ayon kay Derek patungkol kay John, "He's no longer a friend of mine."
Pero hindi rin daw kaaway ang turing ni Derek kay John. Nais lang daw ni Derek na protektahan ang kanyang peace of mind, lalo na't siya ay papasok sa pagpapakasal.
Nitong August 11, inilabas ni Ogie ang sagot ni John tungkol sa mga binitiwang salita ni Derek.
Sabi ni John via text message, "Tinuring ko siyang parang kapatid ko. Kung ganun lang tingin niya sa pagkakaibigan namin e wala akong magagawa."
Anim na taon silang matalik na magkaibigan ni Derek, ani John.
Hindi iyon kaila sa publiko dahil ibinabahagi ng dalawa ang mga litrato nila bilang golf buddies, pati na mga pinagsamahan nilang endorsements at negosyo nitong nagdaang mga taon.
Mismong si Derek ang nagsabing pati ang asawa ni John na si Priscilla Meirelles ay naging kaibigan na rin niya.
Nang manalo sina Derek at John sa isang golf tournament sa Ohio noong 2017 ay kasama nilang nagbiyahe si Priscilla at ang non-showbiz girlfriend noon ni Derek.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 10, sinabi ni Priscilla na umaasa siyang maaayos pa rin nina John at Derek ang anumang isyu ng mga ito.
"I believe John and Derek have a genuine friendship," saad ni Priscilla.
Dagdag niya, "They will sort things out eventually. And they are better men than what is going around them."
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
