Ellen Adarna, irereklamo ang John en Ellen dahil sa "protocol violation"?

by PEP Troika
Aug 9, 2021
Ellen Adarna inaming na-traumatize sa isinagawa sa kanyang swab test sa set ng John Ellen matapos ang false positive na resulta. Ayon naman sa kanyang fiance na si Derek Ramsay (kaliwa), may balak si Ellen na magreklamo sa IATF dahil sa paglabag umano ng programa nila ni John Estrada (kanan) sa safety protocols.
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram / John en Ellen

GORGY RULA

Hindi pa natatapos ang isyung walkout umano ni Ellen Adarna sa TV5 sitcom nila ni John Estrada na John en Ellen.

Muling nakapanayam ng kasama ko sa DZRH na si Morly Alinio ang engaged couple noong Linggo ng gabi, Agosto 8.

Binanggit ni Ellen na magpa-file siya ng reklamo laban sa kumpanyang nag-swab test sa kanila ng kanyang personal assistant o P.A. sa set dahil sa diumano'y false positive na resulta.

"Na-traumatize ako kasi nag-false positive ako on set, and my yaya nag-positive din on set," salaysay ni Ellen.

Ipinaliwanag ni Ellen na sa halip na sterilized nasal swab ay ginamitan siya umano ng positive control stick para sa kanyang swab test.

Napag-alaman daw niyang ang positive control stick ay hindi maaaring gamitin sa pasyente, at para lamang sa quality control measure sakaling may depekto ang isang testing kit.

Bawat testing kit ay may cassette, sterilized nasal swab, positive control stick, at negative control stick.

Continue reading below ↓

Makikita sa packaging ng kit na parehong hindi ginagamit ang positive control stick at negative control stick para sa "specimen collection."

Paliwanag ni Ellen: "Sinaksakan ako ng positive control stick. Yung stick shouldn’t be used on people or anything because it has… it’s a red stick only, Abbott has it.

"Nalaman na lang namin, kasi ako, mahilig mag-video pag sina-swab ako. When we got here, di ba, nag-false positive ako dun? When we got home, tapos nagpa-PCR test na ako dito sa bahay.

"When the nurse saw the video, she said, 'Magpa-positive ka talaga kasi what they used was a positive control stick.' So, malay ba namin na merong ganun, right?"

Tinext ko si Derek ngayong Lunes, August 9, para ipaliwanag ang diumano'y pagkakamaling ito ng swab test kay Ellen.

Kaagad siyang tumawag para ipaliwanag na napag-alaman niya na ang positive control stick ay ginagamit para ma-check kung may sira ang cassette na siyang nagde-detect ng resulta ng isang swab test.

Continue reading below ↓

Ani Derek, "Wala naman tayong alam sa ganun. Pero yung positive control stick, ‘yan ang ginagamit pang-testing ng mga cassette.

"Pag nilalagyan nila ng solution, nilalagay nila sa cassette, laging lalabas na positive.

"Di ba, yung regular swab na pinapasok is usually clear? Ito, yung stem is red and that is used as a tester… di ba, yung swab nilalagyan nila ng liquid tapos nilalagay nila dun sa cassette?

"So, if you use that control stick, that will always come out positive, to check that cassette is working properly. Laging lalabas na positive pag yun ang ginamit mo, kasi...

"Tester siya para i-test kung yung kit gumagana.

"Each kit of Abbott has one positive control stick. Buti na-video namin."

Ipinarating daw nina Ellen at Derek ang pagkakamaling iyon sa kumpanyang gumagawa ng swab test sa set ng John en Ellen.

Paliwanag ni Derek, "Umamin naman yung kumpanya na nagkamali sila. Pero dahil dun, imagine mo naman yung emotional stress ni Ellen.

Continue reading below ↓

"Nanigurado pa rin siya, kasi pagkatapos nung test na yun, nagpa-test pa siya dalawang beses dun, negative na.

"Tapos pag-uwi, PCR, tapos lahat ng tao dito sa bahay, PCR. So, imagine mo ang laki ng nagastos namin diyan."

Sobrang na-stress daw ang kanyang fiancée

"Ang pinakamalala dun, hindi nakita ni Ellen si Elias ng 21 days na kahit nag-PCR at negative siya, sinigurado niya na tinapos niya muna ang 20 days na hindi niya pinabalik si Elias dito sa bahay.

"So, imagine for a mother to be away from her son for 20 days, that’s very, very stressful for her."

Hindi raw nila sinisisi ang production ng John en Ellen kaugnay sa false positive na resulta ng swab test ni Ellen.

JERRY OLEA

Pero balak din daw ni Ellen na ireklamo ang production ng John en Ellen sa IATF dahil nilabag umano nito ang ilang safety protocols.

"Iyon ang alam ko na gagawin ni Ellen," pakli ni Derek.

Continue reading below ↓

Hindi idinetalye ni Derek kung anong safety protocols ang nilabag umano ng produksiyon.

Pero nabanggit niya ang tungkol sa inuman diumano ng hindi pinangalanang mga tao sa set pagkatapos ng trabaho.

Lahad ni Derek, "Nag-iinuman sila sa set. Di ba, sinabi pa ni Long [Mejia] na hindi nakikisama si Ellen?

"Hindi sa hindi nakikisama si Ellen, nag-iingat lang. Pagkatapos mo mag-take ng scene, balik ka dapat sa kuwarto mo."

Ipinunto ni Derek na bagamat nakikisama si Ellen sa mga katrabaho sa oras ng taping, siniguro raw ni Ellen na hindi ito sumali sa pagkakataong may inuman sa rest day ng taping ng sitcom.

Itong mga huling araw ng taping ng second season ay hindi na sila naka-bubble, kaya talagang nag-iingat daw si Ellen at pina-practice niya ang social distancing.

Katuwiran ni Derek, "Sa rest day, kailangan ba na may inuman pang nagaganap? Bawal yun. Gumagawa sila ng rest day, tapos inuman."

Continue reading below ↓

Sabay tukoy niya kay Ellen, "Pag nasa set, nakikisama naman siya."

Noong August 4, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ang pag-alma ng veteran comedian na si Long Mejia sa diumano'y pag-walkout ni Ellen sa lock-in taping nang hindi tapos ang eksena nito.

Dismayado si Long sa diumano'y unprofessionalism at kawalan ng malasakit ni Ellen sa produksiyon dahil sa insidenteng nakaapekto umano sa isang importanteng sequence sa finale ng sitcom.

Kinabukasan, August 5, humingi ng paumanhin si Long kay Ellen dahil napag-alaman niyang may dahilan ang pag-alis ni Ellen ng set na hindi niya alam dahil may impormasyong hindi umano sinabi ng produksiyon.

Mismong si Ellen naman ang nagsabing hindi siya unprofessional at sinunod lamang niya ang cut-off na ipinangako sa kanya pati na rin sa safety protocols sa taping.

Sa kabilang banda, lumalabas na hindi okay sina Ellen at John.

Si John ay leading man ni Ellen sa sitcom at siya ring line producer nito.

Continue reading below ↓

"Not really talking. I haven’t spoken to him about it," sagot ni Ellen sa tanong sa kanya ni Morly Alinio kung okay ba sila ni John at kung napag-usapan ba nila ang isyung ito.

Mukhang pati ang pagkakaibigan nina John at Derek ay apektado na rin.

Hiningan ng PEP Troika si John ng komento tungkol sa balak ni Ellen na ireklamo ang produksiyon ng John en Ellen, pero ayaw raw niyang magbigay pa ng komento.

NOEL FERRER

Mahirap ang usaping protocols dahil talagang dapat nag-iingat ngayon, lalo pa’t hard lockdown at sobrang kailangang mag-ingat sa bilis ng paglaganap ng virus.

Pero dahil magkaibigan naman sina John at Derek, sa tingin ko, madadaan sa mabuting usapan iyan basta makapagpaliwanagan lang nang maayos at i-resolve na health and safety and LIFE is of primary value… beyond pakikisama.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna inaming na-traumatize sa isinagawa sa kanyang swab test sa set ng John Ellen matapos ang false positive na resulta. Ayon naman sa kanyang fiance na si Derek Ramsay (kaliwa), may balak si Ellen na magreklamo sa IATF dahil sa paglabag umano ng programa nila ni John Estrada (kanan) sa safety protocols.
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram / John en Ellen
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results