Pinayuhan si Neil Arce ng kanyang inang si Jean na maging "under" sa asawang si Angel Locsin.
Ang "under" o "ander de saya" ay Filipino slang para sa mister na tumitiklop sa misis.
Iyon daw ang sikreto para maging masaya ang buhay mag-asawa, ayon sa ina ni Neil.
Si Angel ay 36 taong gulang, habang si Neil ay 38.
Prangkang sabi ni Jean, "Ang advice ko lang, best thing, maging under ka. Sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo."
Base ito sa vlog nina Angel at Neil nang maglilipat sila ng bahay ilang linggo bago ang kanilang kasal.
Solo si Neil sa tinitirhan niyang bahay, at pinapunta niya ang inang si Jean para tulungan siyang mag-impake.
Napangiti naman si Neil sa payo ng ina.
"Umpisahan ko ngayon pa lang. 'Ah, okay, okay,'" napapalakpak na saad ni Neil.
Payo pa ni Jean, "Ikaw dapat ang mag-asikaso ng bahay. Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel.
"Pag nagkaanak kayo, ikaw dapat ang mapuyat, hindi si Angel.
"As a wife, gusto mo maging masaya asawa mo, ipag-shopping mo."
Nanlaki ang mata ni Neil sa parteng siya ang mag-aayos ng bahay dahil una nang ibinuking ni Jean na sanay ang binata na may kasambahay na nag-aasikaso sa gamit nito.
Diin ni Jean, "Happy wife, happy life."
Sumang-ayon naman si Neil sa kasabihang "Happy wife, happy life."
NEIL'S MOM APPROVES OF ANGEL
Bukas sa pagsasabi si Jean na noong unang nakilala pa lang niya si Angel ay boto na siya rito.
Kaya lubos daw ikinatuwa ng ginang nang ma-engage sina Neil at Angel noong June 2019.
"Sobrang saya ako. Kasi si Angel, napaka-down-to-earth talaga. Parang match kami," sabi ng ina ni Neil.
Magkasundo raw talaga sina Angel at Jean.
Balik-tanaw ni Neil tungkol sa bonding nilang tatlo noon sa isang concert, "Nung nanood kami ng U2, dalawa sila kumukulit sa akin. 'Mag-hood ka. Mag-hat ka."
Dagdag ni Jean, "Sabi mo sa akin, 'Naku, lagot! Dalawa na kayo ngayon.'"
HOW NEIL PICKED ENGAGEMENT RING FOR ANGEL
Kuwento pa ni Neil, pinag-ipunan niya ang engagement ring na binigay niya kay Angel.
"Naghanap ako ng ring. Sabi ko, 'Di ako gagalaw sa bank account ko. From now on, lahat ng kikitain, dun mapupunta.'
"Sabi ko, 'Lord, ikaw na bahala kung gaano katagal.' E, nagulat ako, for some weird reason naabot ko yung amount."
Tinawagan daw agad ni Neil ang ina para tulungan siyang bumili ng singsing.
Kuwento ni Jean: "Manonood ako ng sine nun. Mga five minutes to go, start na yung movie. Biglang tumawag sa akin, 'Mommy! Mommy! Kailangan bumili na tayo ng ring!'
"Sabi ko, 'Right now? E, manonood ako ng sine.' 'Oo, Mommy, right now.'
"So, di ko in-enjoy yung movie. Kasi kailangan ko tawagan yung ring niya na nabili niya para kay Angel."
READY FOR A NEW CHAPTER
Nang tanungin ni Neil ang ina kung tingin ba nito ay handa na siyang magpakasal, mabilis na sagot ni Jean, "Neil, oo naman! Ready ka na."
Dagdag ng ginang, "Sa akin palang, pag-aalaga mo, kayang-kaya mo na.
"Sobrang bait ni Neil na anak. Kaya mo na alagaan asawa mo at mga anak mo."
Diin pa ni Jean, "Take note, 'mga' anak, ha?"
Todo ngiti si Neil sa papuring narinig mula sa ina.
Noon ding August 7 inanunsiyo nina Angel at Neil na sila ay ikinasal via civil wedding ceremony sa Taguig City.
Si Mayor Lino Cayetano ang nagkasal sa couple.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.