Kinagiliwan ng netizens ang usapan ni Janine Gutierrez at ng isang Grab rider.
Noong August 14, ibinahagi ng Kapamilya actress sa Twitter ang bahagi ng conversation nila ng delivery rider tungkol sa pina-deliver niyang cake.
Mensahe ng food rider (published as is): “mam janine, tapatin ko na kayo.
“yung cake po na to ay sobrang lambot. kaya hindi ko po talaga sure na 100% na maiingatan... pipilitin ko po. babagalan ko na lang takbo.”
Sabi ni Janine sa caption, kinabahan siya dahil akala niya ay kung ano na ang ipagtatapat sa kanya ng delivery rider.
Saad pa niya (published as is): “kinabahan ako kuya Grab, kala ko kung ano ipagtatapat mo sakin”
Sa comments section, marami ang natawa sa ibinahagi ni Janine.
Meron ding nanghingi ng update tungkol sa cake.
Ayon kay Janine, maayos namang nakarating ang order niyang cake.
"para makatulog kayo, happy to share that the cake made it. at masarap siya, happy yung tatay kong nag-birthday. thank you to our delivery heroes"
Si Janine ay anak ng mga artista ring sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.
"LAHAT TALAGA NANG-IIWAN."
Binalikan din ng netizens ang nakakaaliw na pangyayari kay Janine noong February 2020, kung saan naiwan siya ng kanyang driver habang nagwi-withdraw ng pera sa ATM (automated teller machine) sa Makati.
Base sa tweet noon ni Janine, kinailangan niyang buksan ang kanyang sasakyan upang kunin ang wallet niya at iwan sa loob ang kanyang cell phone.
Isinara raw ng aktres ang pintuan ng sasakyan at tumawid para mag-withdraw sa ATM na nasa kabilang kalsada.
Gayunman, pagbalik daw ni Janine sa kinapaparadahan ng sasakyan ay wala na ang kanyang kotse.
Iniwan si Janine ng kanyang driver, na inakalang sumakay na ang aktres nang buksan niya ang pintuan ng kotse.
Buong tweet pa niya, “BABALA: Lahat talaga nang-iiwan.
“I went to my car to put my phone inside & get my wallet.
“Closed the door and walked to the atm across the street.
“Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko.
“Akala pala ni kuya nakasakay na ko.
“Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po”
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
