PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dante Varona reveals why he left showbiz for good

Dante Varona says he does not miss showbiz.
by Bernie V. Franco
Published Aug 16, 2021
Former action star Dante Varona now lives a quiet life in the U.S. Dante became a popular action star in the '70s and '80s and was tagged as the King of Stunts.
PHOTO/S: YouTube (The Wander Mamas)/Internet

Wala raw pinagsisisihan ang dating sikat na action star na si Dante Varona, 67, sa pag-alis niya sa showbiz at pagtira sa Amerika.

Naging tanyag na action star si Dante noong '70s at '80s. Kasabayan niya sina Rudy Fernandez, Anthony Alonzo, at Lito Lapid.

Pinasok din niya noon ang pagpoprodyus at pagdidirek ng pelikula.

Binansagan siyang "King of Stunts" dahil siya mismo ang gumagawa ng kanyang action stunts kahit na mahihirap.

Naging malaking balita pa nga noon ang pagtalon niya sa San Juanico Bridge sa Samar, Leyte nang walang harness para sa pelikulang Hari ng Stunt noong 1981.

Higit isang daang pelikula ang nagawa niya sa loob ng halos tatlong dekada sa showbiz.

Nang lisanin niya ang showbiz ay nagdesisyon siyang manirahan na sa Amerika.

Ngayon ay tatlong dekada nang namumuhay si Dante sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Ano ang nami-miss niya sa Pilipinas?

“Wala na yata. Parang dito na lang,” sagot ng dating action star sa interview nina Rufa Mae Quito at LJ Moreno para sa YouTube channel nilang The Wander Mamas na in-upload noong August 15, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nami-miss ba niya ang showbiz?

“Hindi na," sagot ni Dante.

"Alam mo, dito yung iba, nagti-tripping mag-produce. Yung iba, kukunin ka.

"Sabi ko, ‘Hindi. Retired na ako. Ayoko na.’”

WHY DANTE LEFT FOR THE U.S. FOR GOOD

Ayon kay Dante, hindi niya pinangarap pumunta at manirahan sa Amerika noon.

“Kaya ako nakapunta kasi nagkagulo ang movie [industry],” paliwanag niya.

Nagtayo siya ng maliit na film production outfit, pero hindi raw pinapansin sa Pilipinas ang maliliit na film outfits kagaya ng sa kanya.

“Maliit akong producer. Nag-produce ako, yung Bathala Films, akin ‘yon.

“Ngayon, nai-book ko na yung pelikula ko. Siyempre, pag maliit kang production, yung booking mo, madadaganan.

"Kaya ako, nagpunta ako rito [sa Amerika]. Ayoko na. Ayoko na.”

RELATED STORY

LIFE IN THE U.S.

Nagkaroon ng bagong panimula si Dante nang magdesisyon siyang manirahan sa Amerika.

Ang unang pinasok daw niyang trabaho ay sa janitorial services.

“May kaibigan kami na, siyempre, artista ako, nakilala ko yung isang Pilipina na may hawak ng mga janitorial services.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ngayon, binigyan kami ng isang account, ang Chamber of Commerce sa L.A. Kami naglilinis nun.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Dante sa unang araw niya sa trabaho: “Unang araw namin dun, biruin mo ang laki-laki nung opisina, biruin mo may mop pala silang ginagamit.

“Ako, kinakamay ko yung dun. Hindi ko nga alam.

“’Yun pala, bibili ka ng mop para sandali lang.”

Matagal din daw niyang ginawa ang ganoong trabaho.

Ang pinakahuling pinasok niyang trabaho ay ang pagiging security personnel, hanggang sa magretiro siya.

“Hanggang ngayon retired na ako, pero nagse-security pa rin ako.”

Marami raw security companies sa U.S. na mga Pilipino ang may-ari.

Hindi raw humawak ng baril si Dante sa pagiging security personnel.

“Kasi pag may baril ka, imbes na yung magnanakaw hindi ka babarilin, babarilin ka, kasi may baril ka, e.

“Ngayon kung wala, pababayaan ka lang. Kasi ang security, observe and report lang.

“Hindi naman inaano dun na makipaglaban ka, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May makita kang magnanakaw, magre-report lang. Ililista mo. Itawag mo sa 911, di ba?

“Hindi delikado, e.”

RECOMMENDED STORIES

MEMORIES IN SHOWBIZ

Sa higit isandaang pelikulang ginawa niya, ang pinakapaborito raw ni Dante ay ang Hari ng Stunt (1981), Ermitaño (1981), at Kung Tawagin Siya’y Bathala (1980).

Kabilang naman sa mga idinirek niyang pelikula ay ang The Raging Anger (1984) at Bangkay Mo Akong Hahakbangan (1986), na pareho niyang pinagbidahan.

Ang isa sa mga huli niyang idinirek ay ang Ratratan (1996), na pinagbidahan nina Gardo Versoza, Daniel Fernando, at Angela Velez.

Kabilang sa mga naging leading ladies noon ni Dante ay sina Vivian Velez, Charo Santos, at Gloria Diaz.

Nagbahagi rin si Dante ng kanyang unforgettable experience nang makapareha niya si Gloria sa Kung Tawagin Siya’y Bathala.

Lahad niya, “Nung ginagawa namin yung pelikula ni Gloria, meron kaming love scene.

“Sinet na ni Carlo [J. Caparas] sa kuwarto. E, si Gloria, nasa kama na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagalit nga sa ‘kin si Gloria, ‘Ano ba? Ano bang gagawin? Tatayo ka lang ba diyan? Ang init-init ng ilaw. Pumatong ka na dito!’

“Ako nga ang napahiya. Isipin mo, Gloria Diaz. Kaya nahihiya ako.”

Sa kabila ng pagiging action star, hindi raw si Dante ang tipong nanliligaw ng kanyang leading ladies.

Wala rin daw siyang bisyo gaya ng pag-inom. Hindi rin daw siya nagkaroon ng maraming kaibigan.

“Basta ako, hi-ho, hi-ho lang.”

May mga pagkakataong iniimbita raw siya noon ng mga malalaking artista, gaya ng yumaong si Fernando Poe Jr.

“Pag kinumbida ako, isang bote lang, gusto ko nang umuwi.

“Hindi kasi ako nag-iinom. Sa Boystown, wala ‘yan, e, kaya lumaki ako parang probinsiyano.”

Para raw sa kanya, pagdating sa showbiz, “traba-trabaho lang.”

Lumaki si Dante sa Boystown sa Marikina, kung saan siya nanatili mula elementarya hanggang high school.

Hindi raw kasi siya kayang suportahan ng kanyang mga magulang kaya ipinasok siya sa Boystown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dun naman, libre lahat, e, from Grade 1 to high school. Paglabas ko, kasama ko na [mga magulang ko].”

Sa loob daw ng Boystown ay nagkainteres si Dante sa gymnastics. Ito raw ang dahilan kung kaya’t pinasok niya ang pagiging stuntman.

Naging miyembro siya ng stuntmen's association noong araw. Siya ay nag-double sa mga kilalang action stars noon, kagaya nina Jess Lapid at Jun Aristorenas.

Nakilala raw niya ang sikat na direktor noon na si Artemio Marquez, ama nina Joey at Melanie Marquez, na siyang nagbigay ng break kay Dante.

Samantala, tahimik na ngayon ang pamumuhay ni Dante at kanyang pamilya sa California.

Ang dalawang anak daw niya ay may kani-kaniyang pamilya na.

Ang ginagawa raw ni Dante at asawa nito ay nag-aalaga ng mga apo kapag may oras sila dahil nakatira lang malapit sa kanila ang mga anak.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Dante Varona, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former action star Dante Varona now lives a quiet life in the U.S. Dante became a popular action star in the '70s and '80s and was tagged as the King of Stunts.
PHOTO/S: YouTube (The Wander Mamas)/Internet
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results