Numero unong tagapagtanggol ng aktres na si Devon Seron ang kanyang kapatid na si Chriselda "Dhemy" Seron, na nakabase sa Australia.
Ngayong araw, August 18, nag-upload si Dhemy sa kanyang Instagram Stories ng isang picture at isang TikTok video.
Una na rito ang screenshot ng Instagram post ni Devon na may caption na “I’m doing great, sweetie.”
Komento ni Dhemy sa caption, “You are so fine like a diamond.”

Sunod na ipinost ni Dhemy ay ang balita tungkol sa isang ahas na pumasok sa isang grocery store sa Sydney, Australia.
Ibinahagi niya ang balita ng 9 News Australia at pinatungan niya ng kanyang caption.
Makahulugang mensahe niya: “Sydney Woolworths [snake emoji]. OMG
“Damn she’s everywhere [laughing emojis].”

Marami sa nakabasa ng post na ito ni Dhemy ang nagkaroon ng espekulasyon kung may pinatatamaan ba siya.
DEVON'S DEFENDER
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post si Dhemy ng may kinalaman sa ahas.
Nang pumutok ang hiwalayan ni Devon at ng aktor na si Kiko Estrada noong March 2021, isang cryptic message ang ibinahagi niya sa Instagram Stories din.
Ito ang nilalaman ng mensahe ni Dhemy: “It says 2021 is YEAR OF THE OX. How the f*ck these [snake emoji] are dominating this year?”

Sa isa pa niyang Instagram Stories, makikita rito ang larawan ng tila isang paraiso.
Caption ni Chriselda: “Doesn’t suit you”

Marami sa nakakita ng Instagram Stories ni Dhemy ang naniniwalang may kinalaman ito sa pagkakaugnay ng pangalan ni Heaven Peralejo sa breakup nina Devon at Kiko.
Si Heaven ang itinurong third party sa breakup ng dalawa, ngunit mariin itong pinabulaanan ng Kapamilya young actress.
Nito lamang Agosto 2021, inamin nina Heaven at Kiko na may relasyon na nga sila.
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
