Heaven Peralejo, Kiko Estrada confirm relationship via super sweet couple photos

by Rachelle Siazon
Aug 13, 2021
Kiko Estrada and Heaven Peralejo exchange “I love you’s” on Instagram, thereby ending speculations about the real status of their relationship.
PHOTO/S: @jasondiazejercito / @heavenperalejo Instagram

Kinumpirma nina Heaven Peralejo, 21, at Kiko Estrada, 26, na magkasintahan na sila.

Ito ay makalipas ang limang buwan mula nang pumutok ang kontrobersiyal na hiwalayan ni Kiko at nobya niya noong si Devon Seron.

Sina Heaven at Kiko ay nagkatrabaho sa ABS-CBN afternoon series na Bagong Umaga, na umere mula Oktubre 2020 hanggang April 2021.

Nagkagusto ang karakter ni Kiko kay Heaven sa kuwento ng serye.

Nauwi sa totohanan ang pagsinta ni Kiko kay Heaven ngayong inamin na nila sa publiko ang kanilang pag-iibigan.

Si Kiko ang naunang nag-post sa Instagram ng sweet photos nila ni Heaven na kuha sa kanilang pamamasyal.

Mayroong magkaakbay sila habang naglalakad sa daan, at may kuha ring hinagkan ni Kiko si Heaven habang sila ay nasa loob ng sasakyan ng binata.

"i love you," saad ni Kiko sa caption ng kanyang post.

Sa comments section, ito ang balik-sagot ni Heaven, "i love you too."

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin na ang anunsiyo ni Kiko tungkol sa kanila ni Heaven ang nag-iisang post sa kanyang Instagram feed.

Tanging si Heaven lang din ang kanyang pina-follow ngayon.

Makalipas ang ilang minuto ay si Heaven ang nag-post sa Instagram ng mga litrato nila ni Kiko.

Matamis ang pagkakangiti nila habang magkatitigan at magkayakap sa unang litrato.

Continue reading below ↓

Super sweet din sila sa litrato nilang magkahawak-kamay, at may isa pang hinalikan ni Kiko si Heaven sa noo.

Ang salitang "his" ang simple pero makahulugang caption ni Heaven patungkol sa kanila ni Kiko.

THIRD PARTY ISSUE

Hindi kaila sa masugid na tagasubaybay nina Kiko, Heaven, at Devon ang kontrobersiyang kinasangkutan ng tatlo noong Marso.

Continue reading below ↓

Nag-post noon ng cryptic message si Devon tungkol sa kasinungalingang natuklasan niya.

Nakalagay sa post ni Devon: “The tongue may hide the truth but the eyes never.

”I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

Kaagad namang naghinala ang netizens na may problema sa relasyon nina Devon at Kiko, na nagsimula noong August 8, 2018.

Lumutang ang pangalan ni Heaven, na itinuturo ng netizens na diumano’y third party sa hiwalayan nina Kiko at Devon.

Pero mariing itinanggi ni Heaven na may kinalaman siya sa breakup ng dalawa.

April 2021 nang kumpirmahin ni Kiko na hiwalay na nga sila ni Devon, at siya ay single na muli.

RECENT SIGHTINGS

Noong Hunyo ay namataan sina Kiko at Heaven na nagbakasyon sa Boracay.

Magkahawak-kamay ang dalawa sa kumalat na litrato sa social media, at hinala ng mapanuring netizens ay may espesyal na ugnayan ang mga ito.

Muling nakitang magkasama sina Kiko at Heaven sa isang party noon ding buwan ng Hunyo, pero noon ay tikom ang bibig nila sa napababalitang pagkakamabutihan nila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Estrada and Heaven Peralejo exchange “I love you’s” on Instagram, thereby ending speculations about the real status of their relationship.
PHOTO/S: @jasondiazejercito / @heavenperalejo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results