Si Maureen Wroblewitz ang nanguna sa Casting Video Challenge ng Miss Universe Philippines 2021.
Ito ay ayon sa anunsyong ipinost ng Miss Universe Philippines ngayong hapon, August 21, 2021.
Ipinakita sa Casting Video Challenge ang iba-ibang anggulo ng bawat kandidata na suot lamang ang minimal make-up para mas ma-highlight ang kanilang natural beauty.

Si Maureen ay kilala bilang winner ng season five ng Asia's Next Top Model noong 2017 bago niya napagdesisyunang sumali sa Miss Universe Philippines.
Pumangalawa naman kay Maureen ang Miss Globe 2021 second runner-up Leren Bautista habang pangatlo si Steffi Rose Aberasturi.
Si Steffi Rose din ang winner ng Runway Challenge.
Pang-apat naman ang fan-favorite at former Pinoy Big Brother housemate na si Kristen "Kisses" Delavin. Si Miss Supranational 2018 first runner-up Katrina Dimaranan naman ang kumumpleto sa Top 5.
Pasok sa Top 10 ng Casting Video Challenge sina: Ayn Bernos, Kamille Alyssa Quinola, Cheri Flejoles, Noelyn Rose Campos, at Maria Corazon Abalos.
Sa mga susunod na araw ay nakatakdang ianunsiyo ng Miss Universe Philippines ang Top 50 na makakasama sa next round.
30 kandidata naman ang mapipili para makasama sa coronation night na tatanghalin sa September 25, 2021.
Ang magwawaging Miss Universe Philippines ang siyang magiging representative ng bansa sa Miss Universe 2021 pageant sa Israel sa December.
