PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga falls victim to cellphone snatchers on EDSA

Alex: "Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin.”
by Arniel C. Serato
Published Aug 26, 2021
Alex Gonzaga snatcher
Vlogger-actress Alex Gonzaga grateful to Guadalupe police officers for helping her recover her stolen phone: "Thank you so much sa Guadalupe Nuevo Police Sub-Station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.”
PHOTO/S: Courtesy: @cathygonzaga on Instagram

Nabiktima ng snatchers ang TV host/comedienne/vlogger na si Alex Gonzaga, 33.

Sa kanyang official Facebook page kahapon, August 25, ibinahagi ni Alex kung paano nahablot ng snatchers ang kanyang telepono sa EDS at kung paano ito naibalik sa kanya.

Ayon kay Alex, “Got my phone back after mahablot sa edsa!!!

“Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us.

“Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.”

Kasunod na inisa-isa ni Alex ang mga pangalan ng lahat ng pulis at personnel ng police station na tumulong upang ma-recover ang kanyang telepono.

Pati na ang kanyang driver na hindi raw natakot at unang humabol sa nanghablot ng kanyang telepono.

Sabi ni Alex, “Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro naman niya tungkol sa asawa ng isa sa mga snatcher, “And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila! [laughing emojis]

“Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin”

Kuwento ni Alex, mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan bandang Guadalupe dahil sa traffic.

Ang assistant daw niya ang may hawak ng kanyang telepono dahil may pinakunan siyang picture.

“Ps: Si sofie po may hawak ng phone ko at mabagal takbo ng trapiko kaya nung may pinapicture ako sa kanya biglang nahablot agad cellphone ko habang hawak nya.

“Ang pinakamalaking tulong po talaga ay dahil may nahabol at nahuli si Kuya Arvi na isa sa mga snatchers dahil akala nila hindi na sila mahahabol. kaya thank you po talaga sa lahat ng tumulong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUPECT ARRESTED, RELEASED

Arestado naman ang isa sa tatlong snatchers na tumangay sa cellphone ni Alex.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, August 26, pinalaya rin ang snatcher dahil hindi na nagsampa ng reklamo si Alex matapos maibalik ang kanyang cellphone.

Sabi naman ni Makati Sub Station 7 Commander PCapt. Edison Mabaet tungkol sa pangyayari, nasa loob ng sasakyan si Alex at hawak ng assistant nito ang cellphone.

May pinakuhanan daw kasi si Alex na isang billboard sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City, nang hablutin ng tatlong suspek ang cellphone ng aktres kahapon.

Hinabol ang suspek ng driver ni Alex at ng mga nagpapatrolyang pulis sa lugar, pero hindi na hawak ng suspek ang cellphone nang maaresto.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, na-recover din ang telepono ni Alex.

Hindi ito ang unang pangyayaring may isang celebrity na nahablutan ng cellphone sa EDSA.

Ang singer-actress na si Vina Morales ay nabiktima rin ng snatcher noong October 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinubukan niyang habulin ang snatcher pero hindi na niya nakuha ang telepono.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger-actress Alex Gonzaga grateful to Guadalupe police officers for helping her recover her stolen phone: "Thank you so much sa Guadalupe Nuevo Police Sub-Station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.”
PHOTO/S: Courtesy: @cathygonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results