Mukhang nakarating na kay Jinkee Pacquaio ang ilang puna ng netizens ukol sa kanyang milyones na outfit-of-the-day (OOTD) noong laban ng asawang si Senator Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada.
Nagharap sa boxing ring si Manny at ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas noong Linggo, August 21 (araw sa Pilipinas), kung saan natalo ang Pambansang Kamao via unanimous decision.
Bukod sa boxing fight ni Manny, hindi rin nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang all-pink outfit ng asawa nitong si Jinkee.
View this post on Instagram
Ayon sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lagpas P2M ang kabuuang halaga ng suot na damit, bag, alahas, at sapatos ni Jinkee noong gabing iyon.
Sa social media, may ilang bumatikos kay Jinkee dahil naging "insensitive" diumano ito sa maraming Pilipino na patuloy pa ring naghihirap dahil sa pandemya.
Ngayong araw ng Huwebes, August 26, nag-post ng famous quotes si Jinkee na pasaring sa mga taong sa tingin niya ay walang magawa sa kanilang buhay kaya ang buhay ng iba ang pinag-uusapan.
Saad niya, “Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours. [smiling face with open mouth and cold sweat]”
Dagdag pa ni Jinkee, “Remember, people only rain on your parade because they're jealous of your sun and tired of their shade. [smiling face with heart-shaped eyes emoji]
Ang mensaheng ito ay nai-tweet din ng sikat na American socialite, media personality, at businesswoman na si Kim Kardashian West noong January 2012.
Pakiusap pa ni Jinkee, magmahalan na lamang daw ang lahat.
Aniya, “Spread Love! We should love one another, for GOD is love! [praying hands, herat emojis]
“God is good all the time! [sparkles emoji]”
Ibinahagi rin ni Jinkee ang isang kasabihan mula sa Proverbs 14:30 na patungkol sa mapayapang puso at pagkainggit.
Mababasa rito, “Proverbs 14:30, A peaceful heart leads to a healthy body; jealousy is like cancer in the bones."
View this post on Instagram
Pinayuhan naman si Jinkee ng kanyang followers na huwag na lang pansinin ang mga batikos ng netizens.
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
