Rep. Toto Mangudadatu: “Hindi ko naging kalaguyo si Sharifa, kailanman.”

by Arniel C. Serato
Aug 27, 2021
Toto Mangudadatu Sharifa Akeel not mistress
Maguindanao Second District Representative Toto Mangudadatu on wife Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel: "Sa huling pagkakataon, nais kong linawin na hindi ko naging kalaguyo si Sharifa, kailanman. Pinakasalan ko siya at buong puso akong naniniwala na tinanggap niya ako bilang isang asawa dahil mahal niya ako at hindi dahil sa aking estado.”
PHOTO/S: Courtesy: Sharifa Akeel on Facebook

Isang araw matapos silang ikasal, ibinahagi ni Sharifa Akeel ang daang tinahak nila ng ngayo’y mister na niyang si Congressman Toto Mangudadatu.

Si Sharifa, 24, ay nanalong Miss Asia Pacific International 2018; habang si Toto, 54 ay representative ng Maguindanao Second District.

Naglabas si Sharifa ng 8-minute video sa kanyang Facebook account kahapon, August 26. Kasama niyang humarap sa camera si Toto.

Dito ay mariing pinabulaanan ni Toto ang alegasyong matagal na niyang "kalaguyo" ang beauty queen bago pa sila ikasal nitong August 25.

Giit ni Toto, "Sa huling pagkakataon, nais kong linawin na hindi ko naging kalaguyo si Sharifa, kailanman.

"Pinakasalan ko siya at buong puso akong naniniwala na tinanggap niya ako bilang isang asawa dahil mahal niya ako at hindi dahil sa aking estado."

Idinetalye ni Sharifa kung kailan at paano sila naging malapit ni Toto sa isa't isa.

Taong 2015 ay inalok na raw siya ng kasal ni Toto. Labinwalong taong gulang lang siya noon.

Continue reading below ↓

Agad daw niya tinanggihan ang marriage proposal ni Toto, at sinabi sa mensaherong ipinadala nito na hindi pa siya handa.

Inamin ni Toto na noon pa man ay nabighani na siya ni Sharifa kaya gusto niya itong mapangasawa.

Balik-tanaw ng kongresista: "Bukod sa napakaganda niya, nakitaan ko kasi si Sharifa ng kababaang loob.

"Malambing at napakabait. Higit sa lahat, may takot kay Allah. At madasalin siya.

"Kaya noon pa man, nagustuhan ko na siya at ilang beses ko na rin inalok ng kasal pero lagi naman niyang tinatanggihan."

Kaya inalok na lamang ni Toto si Sharifa ng pagkakaibigan, na pinayagan naman ng beauty queen.

Taong 2016, una silang nag-date sa isang simpleng restaurant sa lugar ni Sharifa sa Sultan Kudarat.

Kuwento ni Sharifa, "Yung first impression ko talaga sa kanya ay talagang napahanga niya ako dahil kahit na napaka… alam naman natin kung ano siya sa pulitika at kung anong estado niya sa buhay, e.

Continue reading below ↓

"Nakita ko talaga kung paano siya kumain nang napakasimple.

"Napaka-humble niya, simpatiko, magalang, marespeto, at kapansin-pansin din ang kanyang pagiging relihiyoso."

Dagdag ni Toto, "Dun na nga nagsimula ang aming connection, naging magkaibigan kami, nagtatawagan, nagkakamustahan, gabi-gabi."

SHARIFA SAYS TOTO IS AN ANSWERED PRAYER

Ayon pa kay Sharifa, taong 2018 ay may mga "premonition" na ang ilang matatanda sa kanila ni Toto.

May isang matanda raw na lumapit sa kanya at sinabihan siyang ang pulitiko ang mapapangasawa niya.

Aniya, "Lagi kong sinasabi sa sarili ko na magpapakasal lang ako sa kanya kung talagang mahal ko siya at hindi dahil sa kung anong meron siya.”

Taong 2019, muling nag-krus ang landas ng dalawa sa Inaul Fashion Festival sa Maguindano.

Memorable para kay Sharifa ang araw na iyon.

Kuwento niya, "Napaka-memorable noon sa akin dahil hinalikan niya ako in front of the crowd, pero sa cheek lang naman.”

Friendly gesture lang daw ito, ayon kay Toto.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay ipinagdasal ni Sharifa na mapunta siya sa isang lalaking may katangian ng tunay na Islam.

Hanggang sa napagtanto ng beauty queen na taglay ng kongresista ang hinahanap niya sa isang mapapangasawa.

Ani Sharifa, "Nakita ko kay Cong. Toto ang kabutihang loob, kabaitan, respeto, at higit sa lahat ay mapagkumbaba."

Maaliwalas din daw ang puso nito na labis niyang hinangaan.

Ayon naman kay Toto, hinangaan din niya ang tapang ng asawa.

Paglalarawan pa ng mambabatas kay Sharifa, "Yung tapang ni Sharifa, pambihira. Sa kabila ng lahat ng hamon at masasakit na salita na ibinato sa amin, hindi siya sumuko.

"Hindi niya ako iniwan. Para sa akin, yun ang tunay na pagmamahal.”

"HINDI KO NAGING KALAGUYO"

Kasunod nito, humingi ng dispensa si Sharifa sa pamilya ng asawa.

Sabi niya, “Sa pamilya ni Toto, hinihiling ko sa inyo na sana ay bigyan ninyo ako ng pagkakataong maipakita at maiparamdam sa inyo ang tunay na pagmamahal ko kay Toto.

Continue reading below ↓

"Hayaan ninyo akong mahalin siya at alagaan sa abot ng aking makakaya.”

Sundot naman ni Toto, “Para sa pamilya ni Sharifa, patawad kung ngayon lang kami lumantad at nagpahayag ng totoo naming estado.

"Paumanhin din sa lahat ng nagmamahal kay Sharifa na matagal ding naghintay ng kumpirmasyon at kasagutan.

“Sana sa pamamagitan nito ay masagot na ang lahat ng mga tanong upang makapamuhay na rin kami nang payapa at pribado.”

Apela naman ni Sharifa, "Sana ay maintidihan ninyong lahat na hindi madali para sa amin ito.

"May mga tao kasing ayaw naming masaktan, may mga relasyong aming iniingatan, at may mga buhay na aming pinapahalagahan."

Dugtong ni Toto, "Naghintay lang kami ng tamang pagkakataon, at ito na nga yun."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maguindanao Second District Representative Toto Mangudadatu on wife Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel: "Sa huling pagkakataon, nais kong linawin na hindi ko naging kalaguyo si Sharifa, kailanman. Pinakasalan ko siya at buong puso akong naniniwala na tinanggap niya ako bilang isang asawa dahil mahal niya ako at hindi dahil sa aking estado.”
PHOTO/S: Courtesy: Sharifa Akeel on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results