Labis na nangungulila ang singer na si Jovit Baldivino sa anak niya sa dating non-showbiz girlfriend na si Shara Chavez.
Sa kanyang Facebook ngayong araw, August 28, ang hinaing ng isang nangungulilang ama ang madarama sa post ni Jovit para sa anak na matagal-tagal na raw niyang hindi nakikita.
Si Baby Keya ay limang taong gulang na ngayon.
Lahad ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent grand winner sa kanyang post [published as is]: “Magandang araw po sa inyong lahat maraming maraming salamat po sa lahat nang patuloy na sumusuporta, naniniwala at nagmamahal sa akin.
“Marami pong nagtatanong sa akin kung nasan daw si Mrs. Shara jane Chavez Cruzat…
“Mawalang galang na po matagal at wala na po akong connection sa kanya, hindi ko nga po alam kung nasaan sya kahit nga po anak ko hindi na nya pakita sa akin matagal na panahon na, at kung ano man pong lumabas na Issue o Pang i-Scam nya…
“Hindi na po bago yun,,, hehehee, wala po ako pakialam dyan, problema nya yan, at siguro naman po alam nyo na ang tunay na pagkatao nya.”
Tanging hangad lang daw ng singer ngayon na makuha ang kustodiya ng kanyang anak.
Hindi raw kasi niya alam kung gaano na ito kalaki ngayon at kung ano na ang hitsura nito.
Dagdag pa niya [published as is]: “Ang sa akin lang po eh yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama, kasi matagal na nya itinatago sa akin syempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko, yung pamilya ko nga nalulungkot pag hindi nakita ang pamangkin at apo, eh ano pa naman ang isang ama, na lagi na lang nagaalala at nagtatanong kung malaki na ba, madaldal na ba, kumakanta rin ba o ano etc...
“Masaya na po ako ngayon, at masaya na din kasi nabigyang linaw na lahat,,, yung matagal na panahong nanahimik ako sa bintang at kasalanan na hindi ko naman ginawa, pinagpasaDyos ko na lang lahat kasi sya naman talaga nakakaalam nang lahat,
“Pero mas sasaya siguro ako kung kasama ko ang anak ko sa magandang buhay at tapat na hanapbuhay, yung habang lumalaki sya na may paniniwala at takot sa Panginoon, Salamat po sa inyong lahat Godbless Everyone.”
Si Shara ay dating fan na naging karelasyon ni Jovit.
Isinilang niya ang anak nila ni Jovit noong July 2016.
Noong 2017, nahuli raw ni Shara na may ibang babae diumano si Jovit, na siyang naging dahilan para tuluyan na niyang hiwalayan ang singer.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
