Naglabas si Kim Chiu ng matalinhagang post na tila nababalewala siya dahil sa kanyang kabaitan at kunsiderasyon sa ibang tao.
Sa kanyang Instagram Story kahapon, August 29, ipinakita ng Kapamilya actress ang karaniwang ugali ng mga tao na ang zodiac sign ay Taurus o ipinanganak mula April 20 hanggang May 20.
April 19 ang birthday ni Kim, pero Taurus ang itinuturing nitong kanyang zodiac sign.
Sabi sa quote card: " As a Taurus you are often taken for granted due to your very kind and sensible nature.
"You aren't likely to reverse a decision."

Hindi man idinetalye ni Kim kung bakit niya ito ipinost, malinaw na may hugot ang aktres nang i-repost iyon ng kanyang nobyo na si Xian Lim.
Nasa lock-in taping si Xian, pero nagpaabot siya ng mensahe sa nobya.
Sabi ni Xian, "Never dim your light for the sake of others my love. In this lifetime, all we have is our self worth. Don't let anyone take that away from you.
"You are loved by millions. Keep moving forward. I love you. We all love you [heart emoji] @chinitaprincess."
Dinagdagan pa ito ni Xian ng quote mula sa American singer na si Beyonce tungkol sa kahalagahan ng self-worth.
"Your self-worth is determined by you. You don't have to depend on someone to tell you who you are."
Ani Xian, "Nakita ko lang sabi ni ate B."

Hindi malinaw kung may kinalaman sa trabaho o personal na isyu ang pinanggagalingan ng saloobin ni Kim.
Pero pati sa kanyang IG post kahapon ay may post din siya na may malamang quote tungkol sa mga bagay kunsaan tila hindi nagiging patas ang mundo.
Bahagi ng hugot quote: "The world is a beautiful place, but it can be hard to see when things don't go as planned.
"Sometimes what we want in life and what we receive are completely different. Sometimes the world takes away things that we thought were certain.
"Sometimes it tells us we are wrong when we are convinced we are right. But maybe the world will never change for us. Maybe we have to change the we see the world. Maybe it really comes down to perspective."

KIM'S QUIET DEMEANOR IN IT'S SHOWTIME
Pero may mapanuring fans si Kim na nakapansing tila wala raw kibo ang aktres sa episode ng Kapamilya noontime show na It's Showtime noong Sabado, August 28.
Iba raw iyon sa karaniwang masigla at madaldal na personalidad nito.



May napatanong din kung bakit tila wala raw hinu-host na segment si Kim ngayon.
Sana raw ay mas mapanood pa nila ang aktres sa show.


