Kim Domingo tests positive for COVID-19; pulls out of Love. Die. Repeat.

by Arniel C. Serato
Aug 30, 2021
Kim Domingo COVID-19 positive
Kim Domingo says she was replaced in an upcoming GMA series after contracting COVID-19: "Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka-wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito. May ibang plano siguro si LORD para sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @kimdomingo_ on Instagram

Malungkot na ibinalita ng Kapuso actress na si Kim Domingo na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, August 30, ipinaalam ni Kim sa kanyang followers na nahawaan siya ng virus.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na siya kasama sa cast ng upcoming GMA-7 series na Love. Die. Repeat., na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.

Si Myrtle Sarrosa ang ipinalit ng GMA management kay Kim.

Kuwento ni Kim, “August 27, 2021 Nag positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko inexpect na tatamaan pa ako.

“Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag disinfect at pagiingat na ginagawa ko. Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated.

“Hindi ko na din po magagawa ang #LoveDieRepeat, ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula nagka pandemic dahil hindi po ako tumanggap ng trabaho sa labas.

“Work from home ako palagi. Natatakot ako maglock in taping pero dahil nabakunahan na ako, mas napanatag ako saka namimiss ko na ang pag arte,

Continue reading below ↓

“Naka set na sana kami nung Aug 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito.

“Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito.

“May ibang plano siguro si LORD para sa akin [praying hands, crying emojis]”

GET VACCINATED

Hindi raw alam ni Kim kung saan niya nakuha ang virus.

Napagtanto ng aktres na kahit anong ingat ng isang tao ay hindi pa rin maiiwasang mahawaan ng COVID dahil hindi nakikita ang kalaban.

Mabuti na lamang daw at fully vaccinated na siya at ang kanyang pamilya kaya hindi na grabe ang sintomas na nararamdaman niya.

Saad niya, “Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isa lang ang malinaw sakin.

“Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede ka tamaan ng COVID. Hindi natin sya nakikita. Kaya kung meron kayo pagkakataon na magpa bakuna, magpa bakuna kayo.”

Continue reading below ↓

Noong una raw ay bantulot pa siyang magpabakuna, pero naisip niyang gawin na ito para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Aniya, “Isa din ako sa mga takot na takot magpabakuna dati. Sabi ko hindi ko ilalagay sa katawan ko yan.

“Ako pa naman yung tipo ng tao na mahilig magsearch at magbasa basa. Sabi ko di bale nalang, pero hindi talaga ako papabakuna.

“Madami ako nakausap, naexplain sakin ng maayos. Nakwento din nila kung ano mga experience nila after magpa vaccine.

“Isang araw narealize ko na gusto ko na magpabakuna, then kami ng family ko nagpabakuna na.

“Inisip ko, kesa naman ako ang mahirapan, pati mga mahal ko sa buhay pag tinamaan kami ng covid.

“Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng covid. Buti nalang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko.

“Wala na akong lagnat, pero wala pa din pang amoy at panlasa. Pero still malakas pa din ako kumain. Mas okay na pakiramdam ko [smiling face with smiling eyes emoji]

Continue reading below ↓

“Pahinga lang at iwas ma-stress. Tuloy tuloy pa din ako sa pagiingat, pag di-disinfect, hindi din po ako lumalabas.

“Tatapusin ko po ang aking home quarantine hanggang sa ako ay mag negative na sa virus. [smiling face with smiling eyes emoji]

“Salamat din sa mga nagpa abot ng kanilang message at pag aalala. Love you all! Stay safe po sa lahat! [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo says she was replaced in an upcoming GMA series after contracting COVID-19: "Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka-wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito. May ibang plano siguro si LORD para sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @kimdomingo_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results