Kiko Estrada posts sweet photo with Heaven Peralejo on their third monthsary

by Arniel C. Serato
Aug 31, 2021
Kiko Estrada, Heaven Peralejo celebrated their third monthsary yesterday, August 30.
PHOTO/S: Courtesy: @jasondiazejercito on Instagram

Ipinagdiwang nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo ang kanilang third monthsary bilang magkasintahan kahapon, August 30.

Sa vlog ni Ogie Diaz na lumabas noong August 24, sinabi ni Kiko na pormal silang naging magkarelasyon ni Heaven noong May 30, 2021, tatlong buwan matapos silang maghiwalay ni Devon Seron noong Pebrero.

Sa post ni Kiko sa Instagram, makikita ang sweet na sweet na larawan nila ng nobya.

Simpleng caption ng 26-year-old actor: “queen & slim”

View this post on Instagram

A post shared by kiko (@jasondiazejercito)

Tugon ni Heaven, 21: “Forever grateful for you [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Limitado lang ang maaaring magkomento sa post na ito ni Kiko kaya walang mababasang ibang reaksiyon.

Samantala, wala pang post si Heaven sa kanyang Instagram tungkol sa monthsary nila ni Kiko.

Matatandaang nilinaw ni Kiko sa vlog ng entertainment writer at talent manager na si Diaz dahil sa akusasyong pinagsabay niya sina Devon at Heaven.

Nagbigay rin siya ng detalye kung kailan pumasok sa buhay niya si Heaven. Dito ay iginiit ng aktor na nagkamabutihan sila ni Heaven isang buwan pagkatapos nilang wakasan ni Devon ang kanilang relasyon.

Diin pa ni Kiko, hindi nag-overlap ang relasyon niya kina Devon at Heaven.

Saad niya, “A month after, pero we're still not together at this point, we're just talking and, you know, trying to get to know each other...

“Through the hardships, through the issues, we became closer. So, I would never expect na magiging kami or in any way, form, whatsoever.

Continue reading below ↓

“So, nakakalungkot lang na, yun nga, it had to be this way, yung reaction of people.”

Tumagal ng lagpas dalawang taon ang relasyon nina Kiko at Devon. Naghiwalay sila nitong unang bahagi ng 2021.

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si Devon sa hiwalayan nila ni Kiko.

Ang kanyang kapatid na si Chriselda "Dhemy" Seron, na nakabase sa Australia, ang laging nagpapasaring kina Kiko at Heaven.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Estrada, Heaven Peralejo celebrated their third monthsary yesterday, August 30.
PHOTO/S: Courtesy: @jasondiazejercito on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results