Kiko Estrada, Heaven Peralejo spotted “HHWW” in Boracay

by Arniel C. Serato
Jun 14, 2021
Netizens are concluding that Kiko Estrada and Heaven Peralejo are now in a relationship. Photo above shows Kiko and Heaven "holding hands while walking" in Boracay.
PHOTO/S: Courtesy: Kiko Estrada - Unofficial on Facebook

Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ng rumored couple na sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo na magka-holding hands habang naglalakad.

Kuha diumano ang larawan sa Boracay.

In-upload ang nasabing larawan sa Kiko Estrada – Unofficial page sa Facebook kahapon, June 13.

Makikita sa larawan na patawid sina Kiko at Heaven sa kalsada habang magkahawak-kamay.

Nakalagay sa caption: “Time is the ultimate...pain reliever. [two crying emojis] Iyaaakk!!”

Continue reading below ↓

Sa isa pang picture, makikitang ang dalawa sa airport at mukhang paluwas na sila pabalik ng Maynila.

Nakalagay kasi sa signage ang salitang "Boarding" kasama ang flight number at "Manila."

Pareho rin ang damit nito sa nakuhanang larawang patawid sila sa isang kalsada.

Wala pang bagong post sa kani-kanilang Instagram sina Kiko a Heaven.

Continue reading below ↓

Noong June 10, nag-viral din sa social media ang mga larawan ng dalawa na kuha sa bakasyon nila sa Boracay.

HEAVEN DENIES RUMORED RELATIONSHIP WITH KIKO

Nang pumutok ang breakup nina Kiko at Devon Seron noong nakaraang Marso, itinuro ng netizens si Heaven na third party umano sa hiwalayan.

Magkasama sina Heaven at Kiko sa defunct Kapamilya teleseryeng Bagong Umaga.

Sa inilabas na pahayag ni Heaven sa kanyang Instagram Stories, sinabi nitong wala siyang kinalaman sa hiwalayan ng dating co-star at sa ex-girlfriend nito.

Sabi ni Heaven noon, “Associating me with actors I have scenes with can be easy.

“At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other.

“I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada.

“However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do.

Continue reading below ↓

"To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

Giit pa niya, alam niya ang sakit ng hiwalayan at sana raw ay malampasan nina Kiko at Devon ang kanilang pinagdadaanan.

Ani Heaven, “I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not involved.

“Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this.”

Noong April, kinumpirma ni Kiko sa isang panayam na single na siya.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are concluding that Kiko Estrada and Heaven Peralejo are now in a relationship. Photo above shows Kiko and Heaven "holding hands while walking" in Boracay.
PHOTO/S: Courtesy: Kiko Estrada - Unofficial on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results