Cassy Legaspi in tears out of worry for Darren Espanto; Darren speaks about real score with Cassy

by Rachelle Siazon
Aug 31, 2021
Darren Espanto on Cassy Legaspi: "Ayaw po namin magpadala sa pressure or anything. We don't wanna rush into into things. We're just enjoying each other's time."
PHOTO/S: Instagram

Nagbalik na muli sa Canada si Darren Espanto matapos ang ilang buwang pananatili sa Pilipinas.

Pero kahit malayo uli siya, tuloy ang kulitan nila ng nauugnay sa kanyang si Cassy Legaspi.

Sa isang livestream noong August 28, nagkuntsaba si Darren at kaibigan na si AC Bonifacio na i-prank call si Cassy.

Suhestiyon ni AC: "What shall I say? I'll say somehing about you. I'll say, 'Did you know what happened to Darren?'"

Sabi ni Darren, "Just say he was rushed. But not like to the hospital."

Payo pa ni Darren, bitinin ni AC ang kanyang script na, "He was rushed!"

Alam nilang mag-aalala si Cassy kaya ayaw nilang gamitin ang script na nasa ospital ang binata.

Sabi ni AC nang makontak niya sa mobile phone si Cassy, "Hello! Cass, did you hear what happened to Darren?"

"What?" tanong ni Cassy na kalmado pa noong una.

Sagot ni AC, "Did you hear what happened? He was rushed! Did he not tell you? He called me just now"

Continue reading below ↓

Makikita sa livestream na pinipigilan nina AC at Darren ang matawa habang pina-prank si Cassy.

Sabi ni Cassy, "Okay, I'm lost. What do you mean? What's happening? Where is he?"

Balik-sagot ni AC, "I don't know he just told me he was rushed. So I called you. I thought you knew. I don't know what to do."

Sa puntong ito nagsimulang mag-alala si Cassy.

Natatarantang pag-amin ni Cassy: "Oh my god. Sh*t. I'm panicking.

"We were texting kaninang-kanina pa. Okay... Oh my god. Okay... Oh my god, I'm panicking.

"I wanna do something, but he's all the way in Canada.

"Oh my god. I'm shaking. Maybe I should... I can text Lynelle. Oh my god, I'm panicking."

Napatakip ng unan sa mukha si Darren dahil sa prank.

Nais naman ni Cassy na i-message ang nakababatang kapatid ni Darren na si Lynelle.

Pero mapapansing nais niyang siguruhin muna kay AC kung ano ang eksaktong detalye kung anuman ang kalagayan ng binata.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod na tanong ni Cassy, "What do you mean he's rushed? That's it, he just ended the call? Oh my god.

"Okay, maybe... I'll text Lynelle. He didn't say anything? He just said he was being rushed?"

CASSY cries OUT OF WORRY for darren

Sa puntong ito sumingit na si Darren, "No, Cass. We're being rushed sa livestream..."

Nag-"I love you" si AC kay Cassy dahil alam nitong nag-alala ang kaibigan para kay Darren.

Umamin si Cassy na napaiyak siya sa pag-aalala.

Ani Cassy, "Dude, I'm shaking. My hands are shaking. I hate you. I'm tearing off."

Sagot ni AC, "Oh, Darren, umiyak siya. Magpadala ka ng pagkain dun."

Sang-ayon ni Cassy, "Yeah, I deserve it."

Good sport naman si Cassy.

Pero bago ibaba ang phone call, sabi ulit ni Cassy kina AC at Darren, "Thank you for giving me a heart attack. Ang saya ko.

"Don't do that. I got scared. Oh my god. Love you, guys."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

DARREN ON REAL SCORE WITH CASSY

Bago bumalik sa Canada si Darren, nakapag-taping siya para sa Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay, at umere ito noong August 27.

Inusisa siya ni Sunshine Dizon tungkol sa kanyang "special someone."

Walang binanggit na pangalan si Sunshine, pero natunugan ni Darren na ang tinutukoy nito ay Cassy.

Ayon kay Darren, hindi sila nagmamadali ni Cassy na pumasok sa isang relasyon.

Pareho silang 20 years old.

Lahad ni Darren: "Like, Cassy and I are very good friends. Ayaw po namin magpadala sa pressure or anything.

"We don't wanna rush into into things. We're just enjoying each other's time.

"Yun nga po, hindi naman sa bata pa kami, but we have other priorities in life."

Basta alam daw ni Darren na solid ang pagkakaibigan nila ni Cassy.

"And it's just nice to have friends like them na andiyan din para sa iyo, na you can always have by your side, and Cassy's one of them."

Continue reading below ↓

Inamin din ni Darren na updated ang kanyang mga magulang sa "kilig moments" nila ni Cassy.

"Yung parents ko po, kahit wala ako sabihin sa kanila even growing up, alam nila pag magpapaalam ako. 'Can I go out with this person?' 'Yeah, basta you know your responsibilities. Alam mo naman ang bawal at saka pwede.'"

Lumalabas na walang inililihim si Darren sa mga magulang, at aminado siya sa panunukso ng ama sa kanila ni Cassy.

"And my parents, especially my dad, mapang-asar 'yan kapag may alam siyang something.

"Tsaka yung mom ko, since siya mas madalas bumisita [sa Pilipinas] to check up on me, she kind of updates my dad when she gets back to Canada.

"Lalo na si Lynelle. Si Lynelle talagang... Ewan ko diyan. Yung kapatid ko nosy din, e."

Noong Abril, ang ama ni Darren na si Don Espanto ang nambuking na si Cassy ang unang binisita ni Darren nang makabalik ng Pilipinas si Darren.

Continue reading below ↓

Noon namang Pebrero, nakisali si Lynelle sa fans na nanunukso kina Cassy at Darren.

MISSING his bowling date; is it cassy?

Sa latest Instagram post ni Darren noong August 30, nagpahiwatig siya na tila may nami-miss siyang ka-date.

Ipinakita ng Kapamilya singer ang video niyang nagbo-bowling at kung paano siya magpasikat sa ka-date niya.

Caption ni Darren, "POV: We go on a bowling date...and I keep getting 'almost-strikes' and spares HAHAHA."

Ang siste ay hindi raw siya nakaka-strike o nakakapagpatumba ng lahat ng pins.


Continue reading below ↓

Pero kapansin-pansing may kalakip sa post na solo pictures ni Darren na nakatingin siya bakanteng espasyo sa gawing kaliwa niya.

Pinuna iyon ni Cassy.

Ani Cassy, "so yung date mo palagi nasa left side mo?"

Bitin na sagot ni Darren, "From what I remember..."


Hula ng fans, si Cassy ang tinutukoy ni Darren na ka-date dahil marami raw pictures ang dalawa kunsaan nakapuwesto si Cassy sa gawing kaliwa ni Darren

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto on Cassy Legaspi: "Ayaw po namin magpadala sa pressure or anything. We don't wanna rush into into things. We're just enjoying each other's time."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results