PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Premonition? Mahal's cryptic message in YouTube video

Netizens are saddened by Mahal's sudden death.
by Bernie V. Franco
Published Aug 31, 2021
Netizens could not help but remember Mahal's foreboding statement in her last YouTube video. About two weeks ago, Mahal posted her video on YouTube, in which she featured her visit to her "twin partner" Mura.
PHOTO/S: YouTube (MAHAL)

Marami sa mga tagahanga ng komedyanteng si Mahal, Noeme Tesorero sa tunay na buhay, ang nagulat sa biglaan niyang pagpanaw.

Ngayong August 31, 2021, kinumpirma ng pamilya ni Mahal ang kanyang pagkamatay sanhi ng gastro illness at COVID-19.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa pamamamgitan ng Twitter, dahilan para maging trending topic ang “RIP Mahal.”

Isang kapansin-pansin sa mga tweet ay ang pagbanggit nila sa huling YouTube video ni Mahal.

August 20, 2021, ipinost ang video ng pagbisita niya sa kanyang dating ka-partner at kaibigang si Mura o Allan Padua sa totoong buhay.

Kasama ang indie actor at kaibigang si Mygz Molino, dinayo ni Mahal ang malayong tirahan ni Mura sa Guinobatan, Albay.

Dito ay makikita ang masayang reunion nina Mahal at Mura na hindi nagkita ng dalawang taon.

Binigyan ng grocery items ni Mahal si Mura, na aminadong hirap sa buhay ngayon.

Inabutan din ni Mahal si Mura ng P5,000 bilang panggastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako pa si Mahal na may kasunod pa ang kanyang tulong kay Mura.

“’Yan ang tulong ko sa ‘yo. At least, ngayon lang ako nakabawi...

“Para hindi ka maubusan, meron ka nang pagkain at hindi ka na masyadong lalabas.

“At least nakapunta rin ako dito kasi ngayon lang ako nakapunta ng bundok,” sabi ni Mahal.

MAHAL TO MURA: "KAPAG HALIMBAWA NAWALA AKO SA MUNDO..."

Makahulugang sabi pa ni Mahal kay Mura: “Hanggang sa tumanda ako, at uugod-ugod, siyempre pupunta pa rin ako dito.

“Pag may raket, iaano kita.

"Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayro’n pang konting tulong ako sa ‘yo.”

Ang pahayag na ito ni Mahal ang dahilan para maluha si Mura.

Na-touch daw ito dahil kahit ang layo ng kanyang tirahan ay dinalaw siya ni Mahal.

Sinabi ni Mahal kay Mura na huwag na itong umiyak.

“Baka mababaha tayo ng luha dito, mamaya hindi na ‘ko makauwi nang buhay,” sabay tawa ni Mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako si Mahal na muli niyang papasyalan si Mura.

Alok pa ni Mahal, “Sama ka sa Maynila pagbalik namin. Para, at least, pa-therapy natin ang paa mo.”

Sinabihan ni Mahal si Mura na huwag mag-alala at ipapagamot ang paa nito para gumaling.

Ang pagtatagpong ito ng dating mag-partner ay naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong August 22, 2021.

Sa KMJS interview, muling binanggit ni Mahal ang binitawan niyang pangako kay Mura na hanggang sa uugod-ugod siya ay sasagutin niya ang pagpapa-therapy ni Mura.

NETIZENS REACT TO MAHAL'S MESSAGE

Sa pag-trending ni Mahal, nag-tweet ang netizens sa pagkabigla nila sa pagpanaw ng komedyante, lalo’t ang huling panood nila sa video ni Mahal ay tawa ito nang tawa.

Sabi ng isang netizen, kinilabutan siya sa parte kung saan sinabi ni Mahal na "Kapag halimbawa nawala ako sa mundo..."

Paglalarawan naman ng isa pa, “cryptic message” ang sinabi ni Mahal tungkol sa pagkawala sa mundo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang iba, nagsabing tila nagsilbi itong “foreshadowing” at “sign."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-touch naman ang iba dahil tila nagsilbing last mission ni Mahal na mabisita ang kanyang “twin partner” na si Mura bago siya pumanaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ng isa pang netizen, ang pahayag ni Mahal na tutulungan niya si Mura hanggang sa mawala siya sa mundo ay isang patunay kung gaano kabuti ang kanyang puso.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens could not help but remember Mahal's foreboding statement in her last YouTube video. About two weeks ago, Mahal posted her video on YouTube, in which she featured her visit to her "twin partner" Mura.
PHOTO/S: YouTube (MAHAL)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results