PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LJ Reyes unfollows Paolo Contis on Instagram, deletes his photos

LJ is no longer following ex-partner Paolo Contis on Instagram.
by Bernie V. Franco
Published Sep 1, 2021
LJ Reyes is no longer following Paolo Contis on Instagram. The Kapuso actress also erased photos of the actor on her social media account. The couple has been confirmed to have broken up after six years of relationship.
PHOTO/S: @lj_reyes, @paolo_contis on Instagram

Tinanggal na ni LJ Reyes sa kanyang Instagram account ang mga larawan ni Paolo Contis at mga larawang magkasama sila.

Hindi na rin pina-follow ni LJ ang dating karelasyon kasunod ng kumpirmasyong hiwalay na sila.

Mapupunang recent lamang ang pag-unfollow ni LJ kay Paolo at pagbura sa mga larawan ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pag-check ng PEP.ph noong Lunes, August 30, 2021, naka-follow pa si LJ at naroon pa rin ang mga larawan ni Paolo.

Ang pag-unfollow ng Kapuso actress kay Paolo ay tumaon sa inaabangang pagsasalita ni LJ tungkol sa breakup nila.

Ngayong Miyerkules, September 1, nakatakdang ipalabas ang interview ni Boy Abunda kay LJ tungkol sa breakup nila ni Paolo.

Sa kabila ng pag-unfollow at pagbura sa mga larawan ni Paolo, may isang Instagram post si LJ na naroon pa rin ang aktor.

Ang laman ng post ay video clip na mula sa YouTube vlog ni LJ. Ipinost ito noong April 28, 2021.

Tila sponsored din ang naturang post, kung saan kinukunan ng natatawang si LJ ang natutulog na si Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bukod dito, wala nang iba pang makikitang larawan ng aktor sa feed ni LJ.

LJ-PAOLO BREAKUP

August 19, 2021 nang lumabas ang isyung nagkakalabuan na sina LJ at Paolo matapos mag-zero following sa Instagram si Paolo, kasali si LJ.

Bukod pa rito, binura rin ni Paolo ang mga larawang kasama si LJ sa kanyang Instagram feed.

August 23, kinumpirma ng co-manager ni Paolo na si Lolit Solis na hiwalay na ang showbiz couple.

Itinanggi ni Lolit na third party ang dahilan; “na-outgrow” na raw nina LJ at Paolo ang isa’t isa.

Sa kabila nito, nananatiling tahimik ang panig ng dalawang kampo.

Maging si LJ, safe ang mga sagot sa tuwing natatanong tungkol kay Paolo sa talk show na Mars Pa More, kung saan naging guest co-host si LJ.

Hanggang sa lumabas kahapon, August 31, ang teaser ng interview ni Boy kung saan may mga binitawang salita si LJ sa paghihiwalay nila ni Paolo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng pahayag ni LJ tungkol sa breakup nila: "It was so difficult. It was painful. Kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Anim na taon ang naging pagsasama nina LJ at Paolo. Mayroon silang isang anak na babae, ang one-year-old na si Summer.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes is no longer following Paolo Contis on Instagram. The Kapuso actress also erased photos of the actor on her social media account. The couple has been confirmed to have broken up after six years of relationship.
PHOTO/S: @lj_reyes, @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results