Character actor Dido dela Paz pleads for financial support as he battles cancer

by Jerry Olea
Sep 9, 2021
Dido dela Paz: "Matagal ko nang nilulon yung pride ko. Kailangan ko ng financial assistance. “Nakakahiya na hindi na ako makaalpas sa ganitong situation. Pero aanhin ko naman ang pride!?"
PHOTO/S: Allan Sancon / Cinemalaya

“SAKLOLO…”

Shoutout iyan ng beteranong aktor na si Dido de la Paz noong Agosto 29, Linggo, sa Facebook.

“It was the one word na alam kong maiintindihan ng tao,” paliwanag ng 64-anyos na aktor nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Setyembre 9, Huwebes ng hapon.

“At that time, desperadung-desperado na ako. Wala na kaming food supply para sa susunod na araw.

“Wala na akong mautangan, yung konting sinisingil ko sa trabahong buwan nang natapos ay hindi ko masingil. Ni hindi nila sinasagot yung mga texts at tawag ko.

"Hindi na rin ako nakaka-focus sa kahit ano at nanghihina dahil sa sakit na dulot ng malignant adenoidal cancer ko, na untreated since 2018 nung ma-diagnose after ako maoperahan."

Ang adenoid cancer ay isang bihirang uri ng cancer na kadalasang nagdi-develop sa salivary glands o ibang bahagi ng ulo at leeg.

Patuloy ni Dido, “Yung mga anak ko, napipintong mahinto sa pag-aaral dahil wala na akong maibayad. Renta, Meralco etc.

Continue reading below ↓

“Pakiramdam ko, gumuho yung mundo ko at nag-iisa ako sa problema ko.

“Nawalan ng trabaho yung kapatid ko kaya wala kaming resources. May nanay pa akong 95 years old na alagain.

“In short, hysterical na ako nung araw na yun.”

Ano ang response ng mga kaibigan niya sa paghingi niya ng saklolo?

“Yung ibang kaibigan ko, naalarma,” sabi ni Dido.

“Tinext ko sila na hindi ako in danger at nag-respond sila by sending some money to help.

“At least, yung problema ko sa pagkain namin ay naabatan.”

Agosto 31, Martes, nag-shout out si Dido, “HOPE…”

MOURNING THE passing OF HIS COLLEAGUES

Kinabukasan, Setyembre 1, Miyerkules, nag-shout out si Dido, “SENSEI??? [broken heart emoji]”

Patungkol iyon sa kaibigan niyang aktor na si Richard Manabat, na pumanaw nang araw na iyon dahil sa COVID-19.

“Dinamdam ko yun tulad nung kay Menggie Cobarrubias,” salaysay ni Dido.

“Malapit sila sa akin. Ang lakas pa ng katawan ni Richard. Nung mag-usap kami nung nasa hospital na siya, akala ko, recovering na siya.

Continue reading below ↓

“Nabigla ako. Sa totoo lang, mas gusto ko pang mauna na kung ganitong walang katiyakan ang buhay.

“Ang pumipigil sa akin ay kasalanan sa Diyos at hanggang buhay ako, may maitutulong ako sa pamilya ko, sukat mamalimos ako.”

Marso 26, 2020 pumanaw si Menggie, 66, ang unang artistang Pinoy na pumanaw dahil sa COVID-19.

Ngayong Miyerkules ang pasiyam para kay Richard.


Continue reading below ↓

Richard Manabat (left) and Menggie Cobarrubias

Setyembre 4, Sabado ng hapon, nakiusap si Dido sa mga kaibigan niya sa Facebook na patuloy siyang ipagdasal.

Aniya sa FB post, hindi pa siya “out of the woods.”

Nagising siya dahil sa matinding sakit na nararamdaman dahil sa kanser. Wala siyang gamot, kaya wala siyang magawa kundi tiisin ang kirot.

Pag-amin ni Dido sa PEP.ph, “Matagal ko nang nilulon yung pride ko. Kailangan ko ng financial assistance.

“Nakakahiya na hindi na ako makaalpas sa ganitong situation. Pero aanhin ko naman ang pride!?

“Overwhelmed lang ako masyado. Yung adenoidal cancer ko na untreated since diagnosed in 2018 is giving me so much pain and discomfort.

“I believe nag-metastasis [spread] na, but I won't know for sure how far hanggang hindi nakapapag-PET scan (according to a doctor who so kindly offered free advise) which costs P70K something.

“I don't have the logistics for it. School for my kids might be forced to stop. Food concerns for the family has become a grim problem. I just feel so overwhelmed.

Continue reading below ↓

“Also I know that all of us are going thru something because of this bad situation we're all in, though not in always in the same degree or concern.

“It makes me more frantic not knowing where to turn to, much less what to do. Sorry sa litanya. Hininga ko lang…”

DIDO'S REMARKABLE PERFORMANCES

Napakahusay ng pagganap ni Dido sa Cinemalaya 2019 film na Edward bilang isang lolo na nakaratay sa ospital dahil sa tuberculosis.

“Salamat. Arte lang yung TB pero may nararamdaman na ako nun sa cancer ko,” ani Dido.


Continue reading below ↓

Dido dela Paz and Louise Abuel in a scene from the 2019 film Edward

Sa Cinemalaya 2017 indie filmfest ay itinanghal si Dido na best supporting actor para sa pelikulang Respeto, kung saan gumanap siya bilang Doc na mentor ni Abra.

Nagwagi rin siyang best supporting actor sa Asia-Pacific Film Festival 2018 para sa nasabing pelikula.


Continue reading below ↓

Dido dela Paz and Abra in a scene from 2017 film Respeto

Kasama si Dido sa pelikulang Bangsa na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.

Ayon sa direktor ng Bangsa na si Brillante Mendoza, may natitira pang two shooting days sa movie.

Sabi ni Dido, “Mabait si Piolo. Humble at palangiti.

"Nakatrabaho ko na rin siya sa short film ni Ceasar Hernando na Kagat ng Dilim (2006), at sa isa pang project na hindi ko na matandaan. Naalala ko lang, wedding scene.”


Continue reading below ↓

Dido dela Paz and Bangsa co-star Piolo Pascual

Nakatrabaho rin ni Dido si Coco Martin sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Lahad ni Dido, “Marubdob si Coco! Passionate. Seryoso sa craft niya. May ilan ding pelikula at TV projects kung saan nakaeksena ko siya.

“Very instinctive at natural na actor si Coco. Magaling siya.”


Continue reading below ↓

Dido dela Paz with Ang Probinsyano actor-director Coco Martin

Nag-start si Dido sa showbiz noong 1976 sa Repertory Philippines Theater, Gantimpala, Teatro Pilipino, PETA, at iba't ibang theatre groups.

“First TV exposure ko sa Kahapon Lamang ni Eddie Ilarde noong 1978 bilang lover ni Odette Khan na pinatay ni Lito Legaspi,” kuwento pa ni Dido.

“Nagkaroon ako ng commercial noon na ROYCO Chef sa Royco noodle soup, na nagkaroon ng cooking demo portion sa Eat Bulaga.”

Nakagawa rin si Dido ng foreign films.

Kabilang pa sa mga pelikulang nilabasan niya ang The Heiress (2019), Oda Sa Wala (2018), Nilalang (2015), Amok (2011), Birdshot (2016), Serbis (2008), Sukob (2006), at marami pang iba.

DIDO'S BIRTHDAY WISH

Sa Setyembre 13, Lunes ay ika-65 kaarawan niya.

“Ang birthday wish ko… sana, gumaan ang buhay nating lahat,” saad ni Dido.

“Magpasalamat tayo sa Panginoon sa anumang estadong pinahintulutan Niyang malagay tayo.

“Sana, mamayani ang pag-ibig sa tao at hindi yung kasakiman at galit at walang dinidiyos sa buhay. Sana, walang sakit at gutom.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dido dela Paz: "Matagal ko nang nilulon yung pride ko. Kailangan ko ng financial assistance. “Nakakahiya na hindi na ako makaalpas sa ganitong situation. Pero aanhin ko naman ang pride!?"
PHOTO/S: Allan Sancon / Cinemalaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results