Is Dennis Trillo planning to settle down with Jennylyn Mercado soon?

by Rachelle Siazon
Sep 11, 2021
Dennis Trillo on what he noticed about girlfriend Jennylyn Mercado during this pandemic: "Kasi maalaga na si Jen naturally, mas naging extra pa."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph / @mercadojenny Instagram

Matamis ang ngiti ni Dennis Trillo, 40, nang tanungin kung may long-term plans ba sila ni Jennylyn Mercado, 34, sa kanilang relasyon.

Higit anim na taon na silang magkasintahan, at inaasahang mauuwi rin sila sa kasal.

Sabi ni Dennis, "Madaming long-term na mga plano pero di lahat ng mga plano ay ipinapaalam sa lahat ng tao.

"Siyempre matagal na rin kami, ilang taon na rin kami magkasama.

"Siyempre yung mga ganung usapan hindi yun mawawala."

Sabay kilig na pahiwatig ni Dennis, "Siguro very soon makakarinig na kayo ng mangilan-ngilang balita."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis noong September 7.

Iyon ay matapos ang media conference para sa pag-ere ng pinagbibidahan niyang pelikulang On The Job: The Missing 8 sa HBO Go, simula September 12.

stronger relationship

Naniniwala si Dennis na mas pinatibay pa sila ni Jennylyn ngayong isang taon at kalahati na ang lumipas mula nang nag-umpisa ang COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

"Masasabi ko na pinatibay talaga. Hindi lang siguro kami kundi lahat tayo.

"Hindi naman biro talaga itong mga pinagdadaanan natin. Hindi lahat ng tao masuwerte. Merong iba medyo hirap."

Mayroong joint business na cat café sina Dennis at Jennylyn na kakabukas lang bago magpandemya.

Pero kinailangan nilang itigil iyon dahil tambayan ang set-up ng café, at hindi iyon uubra dahil limitado pa rin ang paglabas ng mga tao dahil sa community quarantine.

Sabi ni Dennis, "Pero kailangan pa rin talaga ng positive outlook lagi sa mga negative na nagyayari sa buhay."

Ang mahalaga ay sabay silang natututo sa buhay.

"Feeling ko mas pinatibay dahil siyempre magkasama kayong pinagdadaanan yung ganitong isang matinding pagsubok.

"So ano talaga, e, subukan talaga hindi lang yung katawan mo kung sakaling nagkasakit ka, kundi pati yung mental state mo.

"Lahat-lahat ng aspeto ng buhay niyo susubukan kaya kailangan niyo talagang maging matibay—pangangatawan, isip, tsaka puso, literal."

Continue reading below ↓

Kaya na-appreciate ni Dennis ang pagiging maalaga ni Jennylyn.

Aniya, "Kasi maalaga na si Jen naturally, mas naging extra pa.

"Kasi nung di pa uso ang pandemic, germophobic na talaga siya. Takot siya sa dumi, sa germs.

"So mas lalo pang naging extra careful at sensitive siya. Okay naman, sa ganung way mas safe kami lahat dito."

BONDING THROUGH MUSIC

Libangan ng magkasintahan ang music collabs nila na tinatawag nilang "Co-Love" sa YouTube channel ni Jennylyn.

Huli nilang naka-collab ay ang Kapamilya singer na si Jack Tabuldo, na nag-perform ng kanta nitong "Hindi Ko Kaya." Si Dennis ang nag-drums, habang si Jennlyn ang naggitara.

"Masaya naman bago siya mag-lock in at mag-taping uli. Bago magkaroon ng panibagong lockdown, nakapag-collab kami kasi isa siya sa mga hinahanggan naming artists.

"Masaya na nakagawa kami ng mga ganun dahil siyempre isa ring way para magbigay-saya sa maraming tao kung paano ginagawa namin ngayon. Yun naman sa ibang format.

Continue reading below ↓

"Parang outlet din yun dahil pareho kaming mahilig sa music. Ine-explore lang namin yung venue na yun. Parang hobby lang."

NO DATE IN VENICE

Inspirado lalo si Dennis dahil ang pelikula niyang On The Job: The Missing 8 ay nag-world premiere sa Venice International Film Festival noong September 10.

Nanghihinayang si Denice dahil solo flight siya nang lumipad siya patungong Venice noong September 8.

Naunang dumating doon ang direktor ng pelikula na si Erik Matti at co-producer na si Dondon Monteverde.

Isang araw bago lumipad si Dennis pa-Venice nang makausap siya ng PEP.ph.

"Sila Jen nasa lock-in taping ng bago nilang show sa GMA," ani Dennis.

Ganunpaman, sinabi ni Dennis na ramdam niya na proud sa kanya ang nobya.

"Dream come true" ni Dennis ang mapasama sa isang pelikula na maipapalabas sa international scene.

Ipapalabas din ang On The Job: The Missing 8 sa tour ng Venice International Film Festival sa Rome at Milan.

Continue reading below ↓

Dagdag pa rito, malaking karangalan kay Dennis na ang On The Job: Missing 8 ang unang Pinoy series na ipapalabas sa HBO Go.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on what he noticed about girlfriend Jennylyn Mercado during this pandemic: "Kasi maalaga na si Jen naturally, mas naging extra pa."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph / @mercadojenny Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results