PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eric Fructuoso reveals he constantly receives indecent proposals

Eric Fructuoso is not flattered by indecent proposals.
by Bernie V. Franco
Published Sep 13, 2021
Actor Eric Fructuoso asked who among his ex-girlfriends did he hurt very badly and felt guilty about. “Kasama pangalan? Buong pangalan?" he responds.
PHOTO/S: @eric.fructuoso on Instagram

Aminado si Eric Fructuoso, 44, na nababastusan siya sa maraming indecent proposals na nakukuha niya sa social media.

Wala raw pakundangan kung “yayain” siya kapalit ng pera.

Ayon kay Eric, ang mga proposal na nakukuha niya ay galing sa mga babae at gays.

“Araw-araw,” sagot ng aktor nang matanong kung nakatanggap na siya ng indecent proposal.

Sinabi ito ni Eric sa YouTube vlog ni Mark Herras na in-upload nitong September 12, 2021.

Nag-react si Eric sa sinabi ni Mark na hindi naman daw bastos ang mga kuwestiyonableng proposal na nakukuha ng Kapuso actor mula sa netizens.

Hirit ni Eric, “Bakit ako, binabastos ako kaagad? Ako rekta [direkta], e.”

Binanggit ni Eric na mababasa pa sa kanyang direct messages ang indecent proposals na ipinapadala sa kanya.

“Andito. Lahat, ha. Nasa messages yung lahat na mga…

“Rekta na. Ganitong amount, ‘Go here na.’

“Tapos may emoticon na yun, yung parang tubig-tubig. Andami, mapa-any gender. Ibig sabihin, hindi [tunay na] lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero to that point na pati babae. As in…” sabi niya.

Sinubukan pang ipakita ni Eric kay Mark ang messages, pero napansin nilang naka-vanish mode ang mga ito.

“Naka-vanish, magaling yung mga nagtsa-chat,” sabi ni Mark kay Eric.

Ang vanish mode ay isang feature sa Messenger kunsaan nawawala rin kalaunan ang ipinapadalang messages ng isang netizen.

Patuloy ni Eric, “Alam mo yun, parang nakaka-hurt. Kasi parang wala ba namang respeto.

“Ano ba namang ilibre mo lang [muna] ako… I-date mo muna ako.

“Lahat sila ganun. Nakaka-degrade.”

Pero hindi na bago kay Eric ang karanasang ito.

Sa isang radio guesting niya noong 2007, inamin nitong nakatanggap siya ng P1-milion offer mula sa isang mayamang gay.

Sabi ni Eric sa interview noon, tinanggihan niya ang offer na ito.

Tinapatan daw niya ang offer ng mayamang gay. Nagsulat siya ng P1 milyon sa kanyang tseke at ibinato sa nag-offer sa kanya.

Biro pa ni Eric noon: "Buti na lang hindi niya kinuha, kundi tatalbog!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Eric sa radio guesting na iyon, ang pinakamababa niyang offer ay P50,000 mula sa isang “matrona.”

Sa vlog ni Mark, inintriga si Eric kung may nilalandi ba itong netizen.

Nangingiting sagot ni Eric, “Wala pa. Ngayon, ha. Wala pa po.”

EX WHOM ERIC HURT IN THE PAST

Nag-alinlangan naman si Eric nang matanong kung sino ang ex-girlfriend niya “whom he hurt badly and you feel very guilty about.”

“Kasama pangalan? Buong pangalan? Sabagay, [kahit] hindi buong pangalan, alam na, e,” sagot ni Eric sa sariling tanong.

Ibig sabihin, kilalang tao ang tinutukoy niya.

Inulit ang tanong kay Eric, “Name an ex whom you hurt very bady and you feel very guilty about it.”

Balik tanong ni Eric, “Hurt them emotionally, physically?”

Nagulat ang natatawang si Mark, “Grabe yung physically!”

Mabilis itong binawi ni Eric, na natawa na rin.

“Sexually pala. Hindi pala physically,” paglilinaw niya.

Mas matino niyang sagot, "Actually, ako yung nasasaktan lagi, e. Kung emotionally, ah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagya’t na nag-isip si Eric kung papangalanan niya ang dating girlfriend, pero nagbago ang isip nito.

“Huwag ko nang banggitin pangalan baka magkagulo buong mundo,” sabi niya.

Kabilang sa mga kilalang naging girlfriend noon ni Eric ay sina Ara Mina, Joyce Jimenez, Toni Gonzaga, Aubrey Miles, at Priscilla Almeda.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Read More Stories About
Eric Fructuoso, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Eric Fructuoso asked who among his ex-girlfriends did he hurt very badly and felt guilty about. “Kasama pangalan? Buong pangalan?" he responds.
PHOTO/S: @eric.fructuoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results