PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee on attempts at whitewashing martial law

Martial law detainee Ricky Lee recalls being detained without legal basis.
by Rachelle Siazon
Published Sep 17, 2021
Acclaimed Filipino writer Ricky Lee reminds Filipinos the importance of vigilance and critical thinking in dealing with attempts at whitewashing the truth about the atrocities during martial law years.
PHOTO/S: Web (CTTO)

Aminado ang award-winning Filipino writer na si Ricky Lee na apektado siya sa tuwing may kumakalat na impormasyong naglalayong mambulag sa katotohanang naganap noong panahon ng batas militar.

Sinabi ito ni Ricky nang kapanayamin siya ng batikang GMA-7 journalist na si Howie Severino sa The Howie Severino Podcast noong September 13.

Dito tinanong ni Howie si Ricky tungkol sa nalalapit na ika-49 anibersaryo ng pagdeklara ng batas militar sa September 21, 2021.

Si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, na umupo sa puwesto bilang Presidente sa loob ng 21 taon, ang nagdeklara ng martial law noong September 21, 1972. Tumagal iyon hanggang January 17, 1981.

Tuluyang nabuwag ang diktadurya ni Marcos dahil sa makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 22 to 25, 1986.

Si Ricky ay respetadong writer ng may humigit-kumulang 146 na pelikula. Kabilang dito ang Himala (1982), Karnal (1983), Gumapang Ka Sa Lusak (1990), The Flor Contemplacion Story (1995), Patayin Sa Sindak Si Barbara (1995), Madrasta (1996).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya rin ang may gawa ng screenplay para sa mga pelikulang Jose Rizal (1998), Anak (2000), Deathrow (2000), Mila (2001), Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004), Dubai (2005), The Trial (2014), at Culion (2019).

HOW RICKY GOT DETAINED DURING MARTIAL LAW

Pinatotohanan ni Ricky na isa siya sa mga nakaranas ng talamak na paglabag sa human rights noong martial-law era.

Siya ay nasa edad na 20s, nag-aaral ng kursong English sa University of the Philippines at nakatira sa Narra Dormitory, nang kumpiskahin ang kanyang mga libro noong 1972.

Nagdesisyon siyang makiisa sa pakikipaglaban para masupil ang diktadurya ng Pangulo.

Balik-tanaw ni Ricky: "Di pa ako naka-graduate sa UP. So, nung nag-declare ng martial law, at kinonfiscate ang mga libro ko...

"I was an activist already at that time, joining rallies, and so on and so forth. So, I dropped out of school.

"I never finished schooling because of martial law. I got involved full time already."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paglilinaw ni Ricky, hindi siya kailanman humawak ng baril.

Ni-raid ang lugar na tinirhan noon ni Ricky.

"Hindi ako humawak ng baril. Hindi ako marunong humawak ng baril up to now...

"Tinatanong ako, 'Asan ang baril?' Sabi ko, 'Hindi ako marunong humawak ng baril...'"

Nang iditena siya ng militar sa Fort Bonifacio detention cell noon, malinaw sa kanyang walang sapat na dahilan para sa pagditena sa kanya at labag sa batas ang dinanas niya.

Katuwiran ni Ricky: "They found reason na hindi naman legitimate reason. Because pag hinuhuli ka nun, ang tawag sa iyo detainee, hindi prisoner.

"Wala naman talagang charges. Hindi mo alam kung bakit. Dini-detain ka lang nila para di ka makakilos. Hindi ka maging aktibista. So, dini-detain kayo.

"Walang hearing, walang charges, at hindi mo alam kung kailan kayo makakalabas, kasi detainee kayo."

Sa gitna ng pinagdaanan niya noon ay nakita raw ni Ricky kung paano pinagtakpan ni Marcos ang sitwasyon nilang mga dinitena dahil sa paghahayag nila ng saloobin laban sa mahahalagang isyu na nangyayari sa bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Balik-tanaw pa ni Ricky: "There was a time nasa loob kami ng detention sa Fort Bonifacio, sa TV, ini-interview si President Marcos nun at sinasabi niya, 'There are no political prisoners in this country.'

"So, nagtingininan kami lahat. 'So, ano tayo?'

"So, yun. Walang charge.

"You never know kung hanggang kailan ka makakalabas. Hindi mo alam ang reason ba't ka dinetain."

HOT STORIES

ON ATTEMPTS AT HISTORICAL REVISIONism

Sa puntong ito, tinanong ni Howie si Ricky kung ano ang pakiramdam niya kapag nakakabasa ng impormasyon o kung may nakakarating sa kanyang video o anumang online content na binabago ang bersyon ng history, o kung tawagin ay historical revisionism.

Dahil sa kanyang personal na karanasan sa pangyayari noong martial law, pakiramdam ni Ricky ay binubura rin siya ng disinformation ukol sa isyu.

"Unang-una, I feel bad kapag nakikita ko yung sinasabi mo, kasi feeling ko, para akong binubura. Parang binubura ako.

"Maski papaano, I think may na-contribute ako sa panahon na nangyayari sa atin yun, so parang nabubura lahat yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So siyempre, I feel totally wiped out pag may nababasa akong ganun. So it hurts."

Naniniwala si Ricky na kailangang maging mapagmatyag at matalino sa kinokonsumong impormasyon, dahil tingin niya ay talamak ang pagbabago ng bersyon ng history.

Paliwanag niya: "Yung pagbubulag... Dati itinatago yung kabulagan. Ngayon, inilalantad nila nang paulit-ulit para matanggap.

"Yung itinatago, ang ginagawa ngayon, inilalantad, para maitago. Sa kakalantad, naitatago siya.

"Kasi umuulit-ulit. Nabubulag ang tao. Naitatago. So, nag-iiba ang paraan ng pagtatago.

"Naging mas tuso, nagiging mas maabilidad, mas maparaan, at in a way, naging mas successful."

Aniya, patunay ang mga patung-patong na legal cases kaugnay ng corruption at human rights violation sa mga kalupitan noong panunungkulan ni Marcos.

Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang mga Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.

Mula 1972 hanggang 1981, ayon sa 1982 report ng Amnesty International, 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.

Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Ricky ukol sa mga taong bulag sa katotohanan: "Pero di ko naman sila lahat masisisi, e. Kasi ang daming mga forces ang humaharang para makita ng tao yung totoong nangyari.

"Ang daming mga puwersa sa palibot na di kasalanan ng mga hindi nakakaunawa at nakakakita. So I am not blaming them.

"Pero sana makita nila. Kasi totoo yung nangyari.

"Ang daming mga ebidensiya at ang daming mga existing na mga documents, mga tao sa palibot, na ang daling kausapin para malaman mo yung totoong nangyari.

"In short, ang thinking ko, ang dali-dali makita yung totoo. Ba't di makita yung totoo? So, may konting frustration sa level na yun."

Pero diin pa rin ni Ricky, mas dapat sisihin kung sinuman ang pasimuno sa paglalako ng kasinungalingan at maling impormasyon.

Aniya, "Pero we shouldn't blame people for being blind. It's not the blind people that we should blame. It's the people who blind them that we should blame."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON HASHTAG "#NEVERFORGET"

Tinanong din ni Howie si Ricky na sa usapin ng "#neverforget" tungkol sa batas militar, ano ang dapat hindi makalimutan ng taumbayan?

Matalinhagang sagot ni Ricky, naniniwala siyang malaki ang kontribusyon niya bilang writer para makatulong mag-alis ng harang sa mga nabubulagan.

"Unang-una, hindi dapat tayo nakakalimot...

"So, meron kang history. Kung wala kang history—at totoong history, yung truth—hindi ka totoong nag-e-exist sa present in the real sense na, 'Eto ako. Ito ang identity ko. Ito ang pupuntahan ko.'

"Hindi iyan magiging totoo until nakita mo nang totoo yung kasaysayan mo.

"So, I think mahalaga yung pinag-aaralan yung kasaysayan, writer ka man o hindi.

"Pero lalo na kung writer ka. Kasi trabaho mo magtanggal ng pagkabulag sa ibang tao."

ON removing blinders in relevant issues

Naniniwala rin si Ricky na hindi lang iisa ang paraan para maipakita ang katotohanan sa mga mahahalagang isyu sa lipunan.

Ikinonekta niya ito sa pagme-mentor sa aspiring writers sa kanyang workshop classes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "Sa iba-ibang levels puwedeng mag-respond. Hindi ko sinasabi na lahat ng writers gumawa ng overt na political na kuwento, e.

"Kung ang ginagawa mong kuwento ay nagtatanggal ng harang sa mga manonood tulad sa mga disabled, halimbawa, and then gumawa ka ulit ng kuwento na nagtanggal ng maling trato sa gender sa gays...

"Dahil ang audience mo natatanggalan mo ng isa o dalawang harang, pagtingin sa issues na pulitikal, mas nakikita nila yun maski hindi ko ikuwento.

"Kumbaga, tumutulong ako matanggalan sila ng isang harang, then makikita nila yung ibang aspeto pa ng society na di ko kinukuwento. Pero dahil natanggalan na sila ng harang, mas nakikita nila.

"So, di ko nire-require, 'Lahat kayo na writers dapat ito lagi isusulat niyo.'

"Kung saan kayo mahusay at nasaan ang passion niyo, dun kayo magsulat at magtanggal lang kayo ng harang."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Acclaimed Filipino writer Ricky Lee reminds Filipinos the importance of vigilance and critical thinking in dealing with attempts at whitewashing the truth about the atrocities during martial law years.
PHOTO/S: Web (CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results